Kabanata 15: Ospital

3649 Words
I Nagising si Vicky sa mga katok sa pintuan ng bahay. Saglit niyang sinilip ang kuwarto ni Jessica. Wala ito. Baka nag-jogging. Medyo groggy pa ang isip niya nang tinunton niya ang pintuan para pagbuksan ang sinumang kumakatok sa pinto. Binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang tatlong pulis. Kilala niya sa pangalan ang mga pulis na ito. Ang dalawang lalaki ay sina PO1 Jerric at PO1 Chris. Ang isang babae ay si PO1 Ria. Minsan siyang bumisita sa isang eskuwelahan para sa isang seminar. Ipinakilala ang tatlong ito na dating college students na kumukuha ng kursong criminology. Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang mga pulis. Sinabi na nila agad ang kanilang pakay. II Sa kamalasan pero inaasahang pangyayari, huminto ang minamaneho niyang tricycle dahil sa naubusan ng gasolina. Buti na lang at may malapit na gasolinahan sa baranggay kung saan siya huminto kaya itututlak na lang niya ang tricycle hanggang sa gasolinahan. Sinisikap pa rin niyang hindi magising si Jessica. Nakahiga pa rin ito sa tricycle. Wala pa ring malay. Sa kasamaang-palad, madadaanan niya ang bahay na tinutuluyan ni Jessica. Alam niya ito dahil binabantayan niya si Jessica. Nag-aalala siyang baka makita siya ng kasama nitong si Vicky. Dahil sa sugat ni Jessica at dahil na rin wala itong saplot, baka kung ano ang isipin ni Vicky tungkol sa kanya. Baka akalain nitong pinagsamantalahan niya si Jessica. ‘Pag nadaanna na niya ang bahay, sisikapin niyang huwag magpahalata. Pero hindi umayon sa kanya ang pagkakataon. Nang dadaanan na niya ang bahay ni Vicky, yumuko siya para hindi makilala. Pero narinig niya ang sigaw nito, “hoy! Sa’n mo dadalhin si Jessica?!” may kasama pa itong mga pulis. Baka ni-report niya sa mga pulis na nawawala si Jessica. Pero wala pa namang apat oras mula nang umalis ito sa bahay. Nang nilapitan siya ni Vicky, akala niya’y sasapukin siya nito, pero agad nitong pinuntahan ang sidecar kung sa’n nakahiga si Jessica. Hanga siya sa talas ng paningin nito. Nakasunod na rin kay Vicky ang tatlong pulis. Disgrasya. Nilapitan siya ni Vicky saka sinampal. “Walang ‘ya ka! Ano ginawa mo sa ka—teka, ‘di ba ikaw ‘yung kasama ni Tito Sid?! Si Dante!” “Ako nga, ho. Mali kayo ng iniisip, nakito ko lang siya na—“ “Ano po ba problema dine?” tanong ni Chris. “Ano’ng ginawa mo sa kanya? Ba’t wala siyang suot?” itinulak siya ni Vicky sa balikat na parang nag-aaya ng away. “Hindi po! Nakita ko lang siya sa damuhan sa oval! Ihahatid ko nga po sana siya sa ospital kaso nawalan ng gasolina ‘yung tricycle ko,” paglilinaw niya. “Hindi ako naniniwala sa ‘yo!” bulyaw ni Vicky. “Sir, ku’nin n’yo ‘tong lalaking ‘to!” utos niya sa mga pulis. “Pero ‘yung pag-uusapan po natin, ma’am?” tanong ni Ria. “Dalhin muna natin siya sa ospital.Du’n natin pag-usapan.” Mas pinakinggan ng pulis si Vicky. Gamit ang isang patrol car, dinala nila si Jessica sa ospital. Gamit ang isa, dinala si Dante sa presinto. “Teka! Pakawalan n’yo ‘ko!” pagpupumilit ni Dante nang pinasakay siya ni Jerric sa sasakyan. “’Nukaba. Hindi ka pa naman namin huhulihin. Kailangan lang namin magtanong sa ‘yo. Kakausapin ka lang.” “Pero—“ “Tumahimik ka na lang.” III Nakahiga na’t nagpapahinga si Jessica sa isang kuwarto ng ospital. Wala namang nakitang injury ang mga doktor kay Jessica maliban sa sugat niya sa labi. Wala ring palatandaan na ginahasa siya. Nang siya ay magkamalay, ang una niyang nakita agad ay si Vicky na nakaupo sa isang upuan katabi ng kama niya. Pero may dalawa siyang silwetang asul na nakikita sa likod ng kaibigan. Nangmas luminaw pa ang paningin niya, mga pulis ito. Isang babae at isang lalaki. “Ano’ng nangyari?” tanong niya. “Nang marinig siya ni Vicky, agad siyang nilapitan nito. “Okay ka lang, Jess?” “Okay lang ako, ate. Ba’t may mga pulis?” Tiningnan ni Vicky ang dalawang pulis. “Okay na po ba siya?” tanong ng isa sa kanila, si PO1 Ria. Ibinalik ni Vicky ang tingin sa nakahigang kaibigan. “Kailangan ka nilang kausapin, Jess. Okay ka na ba?” tumango si Jessica. Muling ibinalik ni Vicky ang tingin sa dalawang pulis. “Okay na raw siya, ma’am.”  “Pamilyar po ba kayo sa pagpatay kay Jhen Diaz, Marielle Ricamora, at Ellain Dela Torre?” si PO1 Chris ang nagtanong. Kalbo’t malaki ang tiyan nito. “’Yung sa banyo ng eskuwelahan?” “Opo,” nanginginig tugon ni Jessica. Kinakabahan siya. Sigurado siyang nalaan ng mga ito na suspek siya, hindi niya alam kung sa pa’nong partikular nila nalaan. Kung hindi dahil sa aircon ng kuwarto ng ospital ay tagaktak na ang pawis niya. ‘Pag nakumpirma nilang siya ang pumatay sa tatalong babae, siguradong makukulong siya. Pero kung pa’no siya kasiguradong makukulong siya, gano’n din siya nakakasiguradong makakalaya siya dahil sa kapangyarihang taglay ng pulutong ng demonyo sa loob niya. Halos nakalimutan niya ang mga ito, hindi rin kumikibo. Para bang napatikom sila ng espada ni Dante. Ngayong naalala niya si Dante at ang ginawa nito, napatanong siya sa isip, sino ba talaga ‘tong lalaki na ’to?  !! Banta siya sa ‘min... Jessica, lumayo ka sa kanya !!   Nanghihina ang mga boses sa ulo niya, nawala ang sigla ng mga ito dati. Malaki siguro ang epekto sa kanila ng hiwa ng espada ni Dante. Maging siya’y nanghihina. Kung malala pa ang natamo niyang sugat kanina’y malamang ay ikamatay niya. “...araw ng seminar,” ito ang huling narinig ni Jessica na sinabi ng pulis. Nawala ang atensyon niya dito’t natuon sa mga boses sa uli niya. “Uy, Jess, ayos ka lang ba?” tanong ni Vicky. “Ba’t tulala ka?” Nakatingin kay Jessica ang mga pulis na nagbubulung-bulungan. May katanungan sa mga tingin nila na ‘n’yare sa kanya.  “Ano po sabi n’yo?” “Tinatayang naganap ang pagpatay no’ng may seminar sa eskuwelahan,” iniisip ni Jessica ang mas nakakaginhawang posibilidad na maging testigo lang sila ni Vicky. “May mga dumalo do’n na nagsabing umalis ka raw. ‘Yung nakatabi n’yo ni... ano po uli pangalan n’yo?” “Vikcy po.” “’Yung nakatabi n’yo ni Vicky, sinabing pumunta ka raw ng banyo. Narinig niya. Sinasabi rin nila na wala nang pumunta sa banyo no’ng mga oras na ‘yon bukod sa ‘yo at sa mga biktima.” “Ate,” tumingin si Jessica kay Vicky. “Ano’ng sinasabi nila?” Hindi nakatugon ng salita si Vicky. Tiningnan lang niya sa mata si Jessica na para bang kukuhanin sa kanya ito. HInawakan nito ang kamay ni Jessica. Namumuo ang mga butil sa luha nito dahilan para makumpirma ni Jessica sa sarili na tama ang hinala niya. “May naka-witness din na nakabunggo mo raw si Jhen Diaz sa gate ng school,” si Ria ang nagtuloy. “Sabi rin sa bali-balita na bully si Jhen sa eskuwelahan. Hindi raw siya papayag na bunggu-bungguin siya gaya ng ginawa mo.” Itinuloy ng lalaking malaki ang tiyan ang paglalahad, “may isa pa kaming witness. Si Mang Ben, isa sa mga maintenance person sa Vedasto College. Habang nagwawalis daw siya sa ilalim ng puno ng akasya, nakita ka niyang pumasok sa banyo. After ilang minutes daw pumasok din sina Jhen Diaz at dalawa niyang kasama sa banyo. Inalis na namin si Mang Ben sa listahan ng mga suspek dahil nakita sa record ng CCTV ng school na magdamang siyang naglilinis.” Ayaw marinig ni Jessica na sabihin sa kanya ng pulis na sumama siya sa presinto. Napaka-tanga n’yo!!! sigaw niya sa isip. Pinapatukuyan niya ang mga demonyo sa loob niya. Sinabi nila no’n kay Jessica na naging maingat sila no’ng pinatay nila ang tatlo gamit ang katawan n’ya. !! ‘Wag ka mag-alala, Jessica. Hindi ka makukulong. Sa ‘min mona ipagkatiwala ‘to !! Napapansin na naman ng mga kasama ni Jessica sa kuwarto na tulala na naman siya. !! Kailangan lang namin makakain ng puwersa ng buhay .Malaki ang naging dagok sa ‘min ng lalaki. Makakain lang kami ng buhay ng tao, babalik ang lakas namin. Lumayo ka agad sa lalaki !! ‘Wag! ‘Wag kayong paaptay! ‘Wag! ‘Wag n’yong sasaktan si Ate Vi— Pero hindi na naituloy ni Jessica ang pakiusap sa mga nilalang sa loob niya nang mapagtanto niyang nagbago na naman ang anyo niya. Pero hindi tulad ng dati, nanatili ang kamalayan niya.  Isang maryonetang may kamalayan. Parang naaalala niya ang senaryong ito. Sa panaginip niya. Nako hindi hindi hindi hindi hindi hindi hindi ‘wag si Ate Vicky!!! Pero tuluyan na siyang nawalan ng kontrol sa katawan. Nakita ni Vicky na nanginig ang buong katawan ni Jessica. “Huy! Jess! Ano’ng nangyayari?” napatayo siya mula sa pagkakaupo. Patuloy pang nanginig ang buong katawan ni Jessica hanggang sa parang maging epileptic siya. “Miss, ano nangyayari?” tanong ni Chris. Umiiyak na si Vicky sa nasasaksihan, “’di ko alam! Tumawag kayo ng doktor, dali!” Si Ria ang rumesponde. Agad siyang lumabas ng kuwarto para tumawag ng doktor, o kahit nurse. Bigla-bigla’y huminto ang panginginig ng buong katawan ni Jessica. Blangko ang mga mata niya. Nakatulala siya sa kisame. niyugyog siya ni Vicky, “uy, Jess! Jess! Okay ka lang? Jess! Sir, ano nangyayari?” hindi nakatugon ang pulis. “Wala pa ba ‘yung doktor? Ba’t ang tagal?!” Naramdaman ni Vicky humawak sa braso niya si Jessica. Mahigpit. Ang tingin ng kaibigan niya ay nakapagpataas ng balahibo niya. Hindi niya maipaliwanag ang takot na naramdaman niya sa mga tingin ni Jessica. Nagulat din siya sa kakaibang lakas ng kaibigan nang ihagis siya nito gamit lang ang isang kamay na nakahawak sa kanyang braso. Tumama siya sa pader at walang malay na bumagsak sa sulok ng kuwarto. Sa loob, nasasaksihan ni Jessica ang mga nangyayari, kaya nang makita niyang initsa ng mga demonyo si Vicky gamit ang katawan niya, wala siyang nagawa kun’di sumigaw. Dinadalangin niya na sana ay walang nangyaring masama sa kaibigan. Nasaksihan ni Chris ang nangyari. Sinubukan niyang hawakan si Jessica para pigilan nang maging siya ay tumalsik sa isang hampas nito. Tumama ang kanyang likod sa pader malapit sa pinto. Nakakaramdam siya ng hilo dahil sa tinamo, pero isinantabi niya ito. Mula sa pagkakahiga, lumutang si Jessica sa ere. Tumindig ang balahibo ni Chris nang masaksihan ito. Agad niyang binunot ang baril at itinutok sa nakalutang na si Jessica. Sige! Barilin mo na ‘ko! sigaw ni Jessica sa loob niya na parang pinapakiusapan ang pulis na kalabitin na ang gatilyo. Tapos na kayong mga ungas! ‘Di ba isang bala lang ang katapat ko? !! Hindi kapag iba ang anyo m, Jessica. Pinoprotektahan namin ang katawang tao mo labas sa ganitong mga banta, pero kapag nasa ibang anyo ka, walang silbi ang bala ng baril. Nag-iingat kami nu’ng una dahil hindi namin kayang manipulahin ang anyo mo habang buhay. Hindi namin laging mapoprotektahan ang katawan mo !! MGA SINUNGALING! MGA HAYOP!!! “BUMABA KA RIYAN! SUMUKO KA!” hiyaw ni Chris. Nanginginig pa ang kanyang kamay sa paghawak ng baril. Hindi niya maalis ang takot.  “Bibilang ako ng tatlo!” Hindi alam ni Chris kung tama ang ginagawa niya ngayon. Tila ba nakalimutan niya ang lahat ng pinag-aralan niya. Hindi siya naging handa na harapin ang mga ganitong klaseng kalaban. Mahirap i-restrain. “ISA!” ‘WAG KA NANG MAGBILANG! “DALAWA!” PAPUTUKIN MO NA!!! Bumaba si Jessica. Lumapat ang kanyang paa sa sahig. “’Wag kang gagalaw!” kahit natatakot, nagsimula siyang lumakad nang  dahan-dahan para lapitan si Jessica. Inihanda niya ang posas. Ang mga sumunod na nangyari ay lalo pang nakapagpatindi ng kanyang takot. Tila ba nagkatotoo ang mga nilalang na maaari lamang manirahan sa mga bangungot niya. Lumaki ang katawan ni Jessica, halos sampung talampakan ang taas. Lumaki ang kanyang mga braso’t binti. Humaba ang mga kuko niya’t tumalin. Tinubuan siya ng sungay sa noo. Naging malahalimaw ang mukha niya. Nagliliyab ang mga mata niya. Tinubuan siya ng malalaking pangil. Ginamit ng mga demonyo sa loob niya ang natitira nilang lakas para imanipula ang katawan niya. Kung hindi dahil sa hiwa ng espada na idinulot ni Dante, malamang naging kagila-gilalas pa ang anyo ni Jessica, mas nakakatakot, mas makapangyarihan, mas mapanganib. Salamat sa espada ni Dante, naging limitado ito. Nasaksihan ni Chris ang pagbabagong anyo ni Jessica. Nang makita niya ang kabuuang anyo nito, hindi na niya nagawang magsalita. Nanlalambot ang kanyang mga binti. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Halos hindi na siya makahinga. itinapat niya ang baril sa halimaw. Hindi na siya nag-isip. Bago pa kalabitin ni Chris ang gatilyo, bumaon sa mukha niya ang isa sa mahabang kuko ng halimaw. Tumilamsik ang mga dugo, piraso ng utak, at ang dalawa niyang mata ‘WAAAAAAAAAG!!! Bumagsak siya sa sahig nang wala nang buhay. Malaki ang butas sa kanyang mukha. Hindi na siya makilala. Dumaloy ang mapulang-mapulang dugo sa sahig. Pinasok ni PO1 Ria ang kuwarto kasama ang isang nurse. Hindi niya natawag ang doktor dahil may inaasikaso ito. Tumambad sa kanilang dalawa ang bangkay ni Chris. Ang halimaw, at ang walang malay na si Vicky. Nagpakawala ng nakakabinging sigaw ang nurse. Inihanda ni Ria ang kanyang armas. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita. Naririnig ni Ria ang mga hakbang ng takbuhan sa hallway. Agad siyang dumungaw sa labas at pinakiusapan ang mga tao na ‘wag na magtuloy. May mga staff din ng ospital na gustong makita ang nangyayari. Kailangang iligtas ng babaeng nurse ang sarili kaya agad niyang ibinuwelo ang sarili palabas,pero bago pa man siya makalampas sa pintuan, dinakot ng malaking kamay ng halimaw ang ulo nito at dinala pabalik sa loob. Dahil sa nasaksihan, nagpaputok si Ria ng baril sa halimaw. Pero ang mga bala ay hindi tumatalab. Parang tumatama ang mga ito sa isang makapal na bakal. Nagkukumawala ang nurse mula sa hawak ng halimaw, pero agad itong binawian ng buhay nang idiin ng halimaw ang pagkakadakot sa ulo nito dahilan para madurog ang ulo. Rinig na rinig ang tunog ng nadurog na ulo. Bumagsak sa sahig ang bangkay ng nurse. Dumanak ang dugo. Hindi napigilan ni Ria ang mga taong gustong-gustong makita ang nangyayari. Hindi nila alam na inilalagay nila ang sarili sa kapahamakan. Nangmakita niyang patay na ang nurse, lumabas na siya. Pero nakita niya si Vicky na sa tingin niya’y buhay pa. Nabibigatan siya sa takot na nararamdaman. Naaapektuhan ang kanyang pagkilos. Hindi niya alam kung may tsansa siyang abutan pa ng kinabukasan kung haharapin niya ang halimaw na ito. Pero mahal niya ang tungkulin kaysa buhay. “Tumawag kayo ng pulis! Umalis na kayo dito.” sigaw niya sa mga tao bago isara ang pinto para walang makapasok. Inilalagay niya ang sarili sa hukay para mailigtas ang marami. Pinalitan niya ng magazine ang baril. Nakita niya ang halimaw na hawak ang walang malay na si Vicky. Alam niya ang maaaring kahinatnan ni Vicky kung hindi agad siya kikilos. Kinasa niya ang baril saka nagpaputok muli. Sumasabay sa mga putok ng baril niya ang mga katok ng tao sa pinto na tila kunukumusta siya. Dahil sa ginagawa, natuon sa kanya ang pansin ng halimaw. Binitiwan nito si Vicky at sumugod sa kanya. Nagpaulan pa ng putok si Ria hanggang sa maubos ang bala. Ang indikasyon na hindi na muli siyang sisinagan ng araw, hindi na niya makikita ang anak at asawa. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Jessica. Gusto niyang tigilan ang mga pagpatay, pero wala siyang magawa. Gusto niyang ipikit ang mga mata, pero hindi niya kaya. Kahit ano’ng gawin niya, maging ang pagpatay na ito’y masasaksihan niya. Maririnig niya ang hiyaw ng panaghoy.  Pasensya na. At salamat. Sabi ni Jessica sa pulis, gamit ang isip. Nagpapasalamat siya dahil nawala ang tuon ng halimaw kay Vicky. Humihingi siya ng tawad dahil isang buhay ang kapalit nito. IV Dali-dali siyang pinagbuksan ni Jerric ng pinto ng patrol car. “Hindi ko alam ba’t napunta ka riyan,” sabi ng pulis. Wala siyang maalala kung bakit may isang binata sa patrol car niya. “Ayos lang, boss,” sabi ni Dante. Bago muling sumakay sa sasakyan ang pulis, tinawag niya ito, “uhm... boss.” “Bakit.” Tinitigan ni Dante nang mata sa mata ang pulis. Malalim ang kanilang tinginan. Literal. Bumalik ang pulis sa patrol car saka umalis. Wala siyang maalala kung bakit siya umalis no’ng umagang iyon. Kailangang magmadali ni Dante na mapuntahan si Jessica. Malaki ang posibilidad na muli itong umatake, at marami ang mamamatay. Sa lugar na ito sa Bulacan, siya lang ang tanging may kakayahang mapigilan ang halimaw. Mula sa bulsa niya, kinuha niya ang dalawang bilog na bagay na parang holen. Ito ang ginagamit niya para makapunta sa isang lugar sa isang iglap. Kanina ay tatlo pa ito. Ginamit niya ang isa para iligtas ang batang si Aira. Sa katunayan ay tinitipid niya ito dahil baka dumating ang araw na kakailanganin niya ito. Ito ang araw na iyon. Kumuha siya ng isa sa mga bilog na ito at ibinulsa ang isa. Hindi niya ito puwedeng gamitin kapag na sa sarado siyang lugar, gaya sa patrol car. Pero ngayon, pagkakataon na niya para magamit ito, pero dapat wala makakita sa kanya. May malapit na public restroom kung saan siya bumaba ng patrol car. Pero hindi siya puwedeng magtago sa loob ng banyo dahil mawawala ang talab ng maliit na orb na ginagamit niya sa mabilisang transportasyon. Buti na lang at may espasyo sa likod ng banyo. Hindi closed area kaya puwedse niya roon gawin. Pumikit siya, inisip ang imahe ni Jessica, at saka inihagis nang buong lakas ang orb. Nabasag ito sa lupa. Lumabas ang pulang usok, bumalot sa kanya, at pagdilat niya, nasa kuwarto na siya ng ospital. Tumambad sa kanya ang dalawang bangkay. Isang pulis at isang nurse, Huli na ‘ko. Sa likod niya, isang halimaw na walang dudang si Jessica. Hawak nito ang isang babaeng pulis. Si PO1 Ria. Ang isang kamay ay nasa katawan. Ang isa’y na sa binti. Buhay pa ang pulis sa mga kamay ng halimaw. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita si Dante. Hinugot ni Dante ang pluma, saka pinindot ang pindutan sa dulo nito. Bago pa man ito maging espada ay hinati ng halimaw sa kalahati si Ria. Tumilamsik ang mga dugo. Bumasak sa sahig ang bituka at iba pang lamang loob. “Buwiset!” bulalas ni Dante. Huli na siya para iligtas ang pulis. Bumagsak sa sahig ang bangkay ni Ria. Umatungal nang malakas ang halimaw. Ngayon lang ito gumawa ng malakas na ingay dahil na sa harap na nito ang banta. Iniamba niya ang hawak na espada sa halimaw. Inatake siya nito. Buti’t naharang ng kanyang espada ang tama ngmatatalim nitong kuko. Lumuhod siya para hindi siya maabot ng kamay ng halimaw, saka kinuha ang pagkakataon para hiwain ang tagiliran nito. Tumilamsik ang itim na dugo. Humiyaw ang halimaw sa sakit na tila ba hindi lang basta hiwa ang tinamo.  Nawala ang depensa ni Dante. Tumama sa katawan niya ang paa ng halimaw. Tumalsik siya sa lakas ng sipa nito. Pakiramdam niya’y parang may nabali siyang tadyang at baka sumaksak ito sa kanyang puso. Pinakriamdaman niya ang sarili. Walang nabali. Wala pa. Nakita niya sa kilos ng halimaw na labis itong nanghina. Para bang tinamaan ito ng kung anong umubos sa kanyang lakas. Nawala sa kanya ang tuon ng halimaw at napunta sa walang malay na si Vicky. Gamit ang malaki nitong kamay, kinuha nito si Vicky. !! Kailangan namin ng lakas... kailangan naming... !! ‘WAAAAAG!!! Hindi puwedeng hayaan ni Dante na muling lumakas ang halimaw sa pamamagitan ng pagpatay kay Vicky. Agad niyang dinampot muli ang espada’t hinawakan nang madiin. Kailangan niyang maging maingat sa bawat kilos, kung hindi, isang buhay na naman ang kapalit nito. Sumugod siya sa halimaw na hawak si Vicky. Hinakbangan niya ang mga bangkay na nakalumpasay sa sahig at ang mga dugong dumanak. Bago pa man niya muling iwasiwas ang sandata, naging isang mahaba’t malaking patalim ang isang kamay ng halimaw. Wala pang isang segundong nangyari ito. Mabuti na lang at agad itong nakita ni Dante. Nang iwasiwas ng halimaw ang mala-espada nitong kamay, inihanda na ni Dante ang depensa. Naharang ng kanyang espada ang atake ng halimaw at lumikha ang pagtama ng nakakabinging kalantong. Pero dahil malakas ang pagtatama ng dalawang sandata, at mas malakas ang wasiwas ng halimaw kaysa sa depensa ni Dante, tumalsik siya’t muling tumama sa pader. Pero sa pagkakataong ito, mas malakas, dahilan para mawalan siya ng malay. Nang masiguro ng mga demonyo, ang may kontrol sa halimaw, na wala nang magagawa ang banta, muli nitong ibinalik ang tingin sa hawak na si Vicky.  ‘Wag! Please ‘wag si ate Vicky!!! ‘WAAAAAAAG!!! !! Pasensya na, Jessica !!  Alam na ni Jessica ang ibig sabihin ng tugon ng mga demonyo. Wala siyang ibang hinihiling ngayon kun’di magising si Dante. Siya lang ang mga kakayahang ma-neutralized ang halimaw. Pero grabe ang tinamong tama ni Dante kaya hindi pa rin nagkakamalay. Inilapit pa ng halimaw ang mukha kay Vicky. Wala pa ring malay. ‘Wag, please!!! ‘Wag si Ate Vicky! balewala ang pakiusap niya. Sa kasamaang palad, nagising si Vicky. Ang dapat sana’y biglaang pagkamatay nadagdagan pa ng takot. Nakita ni Jessica ang mga tingin ng kaibigan sa halimaw, sa kanya. Isang takot na hindi pa nito nararanasan. Ang realidad na wala nang bukas na naghihintay dito. Ate, sorry. Mas inilapit pa ng halimaw si Vikcy, dahilan para makita ni Jessica nang malapitan ang mukha nito. Hindi na ito nakakapagsalita o nakakasigaw, tila ba naparalisa ito sa matinding takot na bumabalot ngayon dito. Ang tákot na ekspresyon na lang ang nagiging tugon nito sa nakikita. Mahal kita Ate. Alam mo ‘yan. Ikaw na lang ang naging matalik kong kaibigan ngayon. Ibinuka ng halimaw ang bibig. Sana lang naririnig mo ‘ko. Hindi dapat nangyari sa ‘yo ‘to. Minahal mo ‘ko na para nang kapatid. Gano’n din ako. Nagkaroon tayo ng kapatid sa isa’t isa. Ipinasok ng halimaw ang ulo ni Vicky sa bibig, paralisado pa rin, hindi kumakawala. Para bang tinanggap ang sumasalubong na katapusan. Mahal kita ate nang buong puso. Mahal kita. Mahal na mahal. Mahal na mahal. Aalagaan ko ang alaala natin habang nabubuhay ako. Yayakapin kita ‘pag nagkita uli tayo, kung sa’n man tayo magkikita. Yayakapin kita nang mahigpit na mahigpit. Sumara ang bibig ng halimaw. Pinutol ng mga ngipin na ito ang leeg ni Vicky. Bumagsak ang walang ulong katawan nito. Nginuya ng halimaw ang ulo sa loob ng bibig. Rinig ang nadudurog na bungo. Hindi na umabot pa ng isang taon ang pagsasamahang pisikal ng magkaibigan. !! Ibasura ma na ‘yang emosyon mo. Kailangan naming lumakas !! Lagot kayo sa ‘kin. Ang banta ni Jessica ay napupuno ng poot. Hindi mapapantayan ng naipong galit sa mga nagdaan na panahon. Pero alam niya sa sarili niyang balewala ang banta niya dahil wala siyang laban sa pulutong ng demonyong nagmamanipula sa kanya. Gustong umiyak ni Jessica. Guto niyang iiyak ang sakit. Pero kasalukuyang wala sa kanya ang kontrol ng mata. Napaigti ang halimaw nang makaramdam ng matinding hapdi na gumapang sa likod nito at biglaang panghihina.  Naramdaman din ito ni Jessica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD