“May daan do’n sa likod!” mahinang sigaw ng lalaki kay Diego sabay turo sa isa pang pintuan ng bahay. “Takbo ka lang. Susunod ako.” “Kaya mo ba sila?” tanong ni Diego. Halos mapatalon siya sa tuwing may kumakatok sa pinto. “Tao po. Tanod po ire.” sabi ng nasa labas na kumakatok sa pinto. “Dali na, mauna ka na,” halos itulak na ng lalaki si Diego. Saka nito binigay ang baril. “Loaded ‘yan. Gamitin mo lang kapag kailangan na kailangan mo na. Dali na lumabas ka na, susunod ako.” Hindi na nagmatigas pa si Diego. Tinungo na niya ang pinto palabas sa likod ng bahay. Hindi niya alam kung nasa’ng parte na siya ng baranggay kalbaryo pagkalabas ng bahay. Madilim ang paligid. Ramdam niya sa binti niya ang matataas na d**o. Sa kabila ng dilim ay nalaan niyang halos puro puno ang nasa paligid. Na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


