Naupo si Diego sa sofa. Hindi niya binibitiwan ang hawak na sandata. Hindi pa niya lubusang pinagkakatiwalaan ang estranghero. Hindi niya ito kilala, kung pa’nong hindi na niya kilala ang kanyang lola. Nasaksihan na niya ang paraan ng pakikipaglaban ng lalaking ito. Wala siyang laban kung wala siyang sandata. Iniisio niyang kumuha pa ng mga ibang sandata sa loob. Marami siyang pagpipilian, pero alam niyang hindi iyon magiging matalinong galaw. “Wala na ang lola mo,” pagsisimula ng lalaki. Naubos na nito ang kinakaing cornick. “Hindi na siya ang lola mo. Pati ‘yung apat na lalaki, hindi na sila kung sino sila dati.” “Ano’ng pinagsasasabi mo?” tanong ni Diego. “Nakapagpaliwanag na ako ng mga gan’tong bagay dati. Pangalawang beses pa lang ngayon. Ayaw kong maiistorbo ako kapag nagsasalita

