Felicity
"ANAK, sa tingin mo ba magiging masaya ka kapag binalikan ka niya dahil lang sa may anak kayo? Think of it carefully, think about the future of your child not your self." Pero hindi ko kayang isuko si Ken, mahal na mahal ko siya at lahat gagawin ko makuha siya ulit kahit gamitin pa ang batang to. Napailing ako kay mama.
"Ma, may anak kami, at wala na siyang magagawa kundi pakisamahan ako at balang araw mamahalin niya ulit ako." Napabuntong-hininga ang mama niya at bakas ang awa dito kaya iniwas niya ang tingin at pinahiran ang luhang tumulo.
"Mahal kita anak, kaya ko to sinasabi para hindi ka magsisi sa huli. Pano kong yang sinasabi mong mamahalin ka rin niya sa huli hindi mangyari? Think of your child not your self, hindi naman kailangan na kompleto ang pamilya dahil ang mahalaga sama sama kayo at masaya. Balang araw marerealize mo rin yan. Huwag mong hintayin na huli na bago ka magsisi."
NAPATULALA siya habang iniisip ang sinabi ng ina noong isang araw sa office nito. Sa totoo lang para siyang nagising sa katotohanan na kahit mag sama pa ulit sila, wala ring silbi dahil nasa iba na ang puso nito. Pero gusto niyang subukan ulit. Mag isa lang siyang kumakain sa cafeteria dahil hindi siya pumasok, hindi na niya inabala ang mga kaibigan para samahan siya. Tahimik lang siyang kumakain ng bigla nalang may sumagi sa mesang kinakainan niya dahilan ng pagkahulog ng baso. Agad nag-init ang ulo niya dahil hindi man lang humingi ng sorry ang stupidang babaeng to! Sa galit niya sinundan niya ito dala ang spaghetti niyang kinakain kanina. Nakikipagtawanan ito sa mga kaibigan nito, nang makita siya ng isa sa mga kaibigan nito na galit na galit. Bigla itong tumayo at nanginginig ang kamay na ituro ako sa babaeng bumangga sakin kanina. Humarap naman ang babaeng nagtataka, kaya sinalubong niya ang mukha nito ng spaghetti na ikina tili nito.
"Next time Miss, marunong kang tumingin sa nilalakaran mo dahil hindi mo alam may peneperwesyo kana! Look at my glass? Did you saw that?" Inis niyang sigaw dito sa babaeng natigagal ng mapagsino kung sino siya. Hindi ito makatingin at nakayuko lang na naiiyak dahil sa pagsampal ko sa mukha niya ng spaghetti.
"S-orry Miss Fely, h-hindi ko po sinasadya." Naiiyak nitong sabi. Na lalo kong ikinairita.
"So bulag kana ngayon ganun? Sa susunod umalis ka sa daanan ko at baka anong magawa ko sayo!" Saka ito tinalikuran. Pero bago yun may sinabi pa ako na ikinatigagal nila. "Pay for my food, sayang naman sa mukha mo pa napunta so you need to pay for it." Saka naka poker face na naglakad.
SA KABILANG DAKO hindi mapakali ang dalagang si Joy, naghihintay ito ng pagkakataon na mailagay ang lipstick na galing sa amo niya sa bag ni Angel. Na iiyak ito dahil sa takot. At naaawa din ito sa dalaga dahil mabait ito at masipag sa pag aaral. Baka ma expel ito sa gagawin niya. Marami pang mga estudyante kaya hindi ito makagawa ng paraan at nasa classroom pa si Angel at parang may hinihintay. Nang unti unti nang kumunti ang mga classmates nito humanda na ito sa gagawin. Sa isip nito, kailangan nitong gawin o kung hindi siya ang mawawalan ng scholarship at sa kanya lang umaasa ang pamilya niya pano nalang kong matanggal siya. Iyon lang ang nasa isip ng dalaga.
"Gel, puwedi mo ba akong samahan sa Cr?"sabi ng kaibigan nitong si Patricia.
"Sige, pero dalian natin baka dumating si Ken." Tinukso naman ito ng kaibigan.
"Kayo na talaga! Alam mo ang swerte mo kay Ken, mabait at halatang mahal na mahal ka. Kawawang Felicity." Tumatawang sabi ng kaibigan ni Angel.
"Huwag kang ganyan kay Miss Fely Patty, malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil inagaw ko ang boyfriend niya." Mahinahong sabi nito sa kaibigan. Nanlaki naman ang mga mata ng kaibigan.
"Eh totoo naman! Ayaw na ni Ken doon at ikaw na ang mahal niya, matagal na siyang gustong hiwalayan ng boyfriend mo eh ayaw lang pumayag. At hindi mo siya inagaw no! Halika na nga, samahan mo na ako." Umalis na ang dalawa at iniwan ni Angel ang bag nito. May mga ilan pang classmates si Joy pero nasa harapan at busy sa pagbabasa. Kanina ibinida niya ang lipstick sa mga classmates at siniguro niyang nandiyan si Angel para makita nito. Sabi niya ibinigay ito ng amo niya at branded ito at galing pa sa ibang bansa na ikina inggit naman ng mga classmates nitong nakakita.
Nang walang may nakatingin, dahan dahan niyang inilagay ang lipstick sa bag ni Angel saka sinarado at saka bumalik sa upuan nito na parang walang nangyari.
"Malou, puwedi bang pakibantay ng bag ko? May kukunin lang ako sa library sandali. Mabigat kasi." Rason nito sa kaklaseng nagbabasa. Nag okay naman ito kaya lumabas na si Joy saka pumuntang library. Kinakabahan ito at hindi mapakali. Ayaw man nitong gawin, kaso no choice na siya at para masalba ang scholarship niya kailangan niyang sundin ang amo. Nag basa basa ito sandali at tinitingnan ang oras ilang sandali pa ng makita nitong time na para sa klase ay kaagad itong tumayo.
Pag pasok nito nandiyan na ang guro, napagalitan pa ang dalaga dahil sa late ito na inihingi nito ng pasencya. Nang umupo siya binulungan siya ng kaibigan nito.
"Pahiram naman ng lipstick mo Joy, please! Ngayon lang ako makakaranas ng branded na gamit please." Pag mamakaawa nito na nagpa cute pa, hindi alam ng dalaga ang gagawin, siguro oras na para gawin ang dapat niyang gawin. Para tapos na at wala na siyang problema. Ngumiti siya dito at sinabing sandali lang at hahanapin niya ito. Tuwang tuwa naman ang kaklase niya. Namamawis na ang noo ng dalaga na kunwari eh hinahanap niya.
"Hala, bakit wala ata dito." Sabi niya kunwari hinahalughog ang bag. Umingos naman ang kaibigan nito.
"Baka ayaw mo lang mag pahiram Joy! Kaya ka gumagawa ng kuwento!" Bulong ng kaibigan para hindi marinig ng teacher nila. Nagtatampo ito dahil bakit kailangan pang gumawa ng kuwento ni Joy para lang hindi siya makahiram. Pariho din kasi silang scholar.
"Wala nga dito! Hinalughog ko na lahat! " Kunwaring inis niyang tanong. "Saka iniwan ko ang bag ko dito, nagpunta akong library diba? Si Malou ang naiwan dito!" Kunwari galit niyang sabi. Nanlaki naman ang mata ng kaklase niyang si Eve. "Di kaya...." Pinutol nito ang sasabihin na parang may ipinahihiwatig. Nagulat siya ng biglang tumayo si Eve at tinawag ang guro nila.
"Mrs. Cecelia! May sasabihin po ako!" Sabi nito. Kaya sinaway siya kunwari ni Joy at pilit pinipigilan. Kilala ni Joy si Eve wala talaga itong inuurungan. At kapag tsismis mabilis itong gumawa ng action. Kumunot ang noo ng guro at sinabi kong ano ito, at bilisan dahil nakaka estorbo sa klase.
" Nawawala po ang mamahaling lipstick ni Joy na bigay ng amo niya. Ipinabantay niya daw ito kay Malou. Ng hihiramin ko wala daw sa bag at nawawala." Dire-diretsong sabi nito saka pa galit na itinuro si Malou na hindi ata makapaniwala na napagbintangan ito.
"Ako?" Itinuro pa nito ang sarili na hindi makapaniwala. "Hindi ako magnanakaw Joy! At wala namang tao dito kanina kundi ako saka si Angel at Patricia!" Bigla namang tumayo si Patty at galit na galit na susugurin sana si Malou dahil sa pagbibintang nito. Kaya lang mabilis itong napigilan ng kaklase nilang lalaki.
"Walang hiya ka Malou! Bakit hindi tayo magbukasan ng bag ng malaman natin!" Galit na galit na sabi ni Patty saka dinuro duro pa ito ni Patty na masyadong war freak. Umiiyak na ang kawawang si Malou na kaagad na kinonfort ng mga kaklase nito.
"Tigil ano ba!" Sigaw ni Mrs Cecelia. Kinakabahan naman si Joy pero kailangan niya itong gawin. "To stop this chaos, Joy look for their bags. Then let's find out who's telling the truth!" Matigas na sabi nito saka umupo sa teacher chair at hinilot ang ulong sandaling kumirot. Tumango naman si Joy at nilapitan ang umiiyak na si Malou, umiiyak ito sa kahihiyan at pagka bugso ng damdamin dahil napagkamalan siyang magnanakaw. Hinanap kuno ni Joy pero alam naman niyang wala kaya tumigil na siya at sinabing wala siyang nakita. Nakahinga ng maluwag si Malou, humingi naman ng sorry si Joy dito na tango lang ang natanggap sa kaklase. Sunod niyang pinuntahan si Patty na ibinagsak pa ang lahat ng laman sa mesa to make sure na wala talaga. Tahimik lang si Angel, dahil tahimik lang naman talaga siyang tao, at kampante siyang wala sa kanya dahil wala naman siyang kinuha. Kinapkapan pa kuno ni Joy ang mga bulsa sa suot na palda ni Patty na lalo nitong ikina irita.
"See? Did you find that fvcking lipstick of yours?" Galit nitong sabi.
"Your mouth Ms Morales! And watch your attitude too!" Galit namang sabi ni Mrs Cecelia na ikinatahimik ni Patty at kung ano ano pang ibinu bulong bulong.
"Wala po ma'am" sabi niya sa guro. Kaya lumapit siya kay Angel na tahimik lang. Kinuha ni Joy ang bag at kunwari hinahanap hanggang sa makita niya ito sa kung saan nito inilagay.
"Ma'am, si Angel po ang kumuha!" Tila hindi makapaniwalang sabi ni Joy na itinaas pa ang lipstick. Napatayo naman si Angel at bakas ang pagkatulala at hindi makapaniwala kong pano napunta ang bagay na iyon sa bag nito.
"M-ma'am, h-hindi ko po m-magagawa yan" nahintatakutan nitong sabi. Umiyak na ang kawawang si Angel, at lahat hindi makapaniwalang siya pala ang salarin. Kilala kasi nila itong mabait at hindi mahilig sa mga gayung bagay.
"I'm sorry Angel. Pero sumama kana muna kay Joy at pumunta sa guidance at doon mo ipaliwanag. Malou, Eve and Patty kayo ang witness. Pupunta ako mamaya doon" sabi ni guro saka itinuloy ang klase dahil ilang minuto nalang time na. Nag mamakaawa naman si Angel kay Joy na huwag na siyang mag reklamo dahil maaapektuhan ang kanyang scholarship.
"H-hindi ko talaga alam k-kung pano nangyari yun J-joy, m-maniwala ka. Umiiyak nitong sabi. Tahimik lang ang mga kasama nito habang papuntang office ng guidance counselor.
Hello everyone thank you for reading my story Behind the Changes (The Life Story of Felicity Montessori) Completed na po ito at mababasa mo ang whole story niya sa dreame app. Thank you!