Chapter 17

1597 Words
Felicity ILANG ARAW ang lumipas at sembreak na din. Nasa bahay lang ako at hindi lumalabas. Nakaplano na din sina mama at papa ng lugar na pagtataguan ko. Maliit lang daw na bayan iyon pero hindi basta basta mapapasok ng kung sino kahit makapangyarihan pa daw ang mga ito. Nasa dulo daw iyon ng Pilipinas at isang lalawigan o probinsiya sa Sta. Catalina. Ngayon ang alis ko, sasamahan daw nila ako dahil hindi ko naman alam ang lugar na yon. Dalawang maleta ang dala ko. Para sakin at ang mga gamit ni baby. "Ready kana anak? Nandiyan na ang susundo satin. Galing pa yang si tatay Amado sa Sta. Catalina. Kahapon lang dumating dito at nanuluyan lang muna sa kapatid daw nito." "Sige pa. Kukunin ko lang mga gamit ko." Umakyat ako at nakita ko si Joy na busy sa pag aayos ng iba ko pang gamit. Habang si jasmine tahimik lang sa gilid na may inaayos din. "Is everything's ready? Aalis na ako!" Malamig kong sabi yumuko naman ang dalawa at at hinugot na ang mga maleta ko para ibaba. "Tapos na ma'am Fely." Mahinang sabi ni jasmine. "Eh ano pang ginagawa niyo? Syempre ibaba na yan! Mga bobo niyo naman! Bilis! Ang babagal niyo daig niyo pa ang pagong!" Hindi niya naiwasang sigawan ang mga ito sa inis. Na bubuwesit siya dahil kanina pa ang mga ito at hindi pa naibaba ang mga gamit niya. "Sorry ma'am" sabay na sabi nila. Kaya pinandilatan niya ang mga ito at sinigawan na naman. Kaya dali dali ang mga ito sa pag dala ng maleta pa baba. Sumasakit ang ulo niya sa mga ito! Kaya padabog siyang bumaba, nakaayos na din naman siya at ang hinihintay lang niya ay ang mag susundo sa kanila. Hindi pa nakasakay ang papa niya at may tinatawagan pa ito kaya umuna nalang siya. Nasa shot gun seat ang mama niya at may inaasikaso sa kanyang cellphone. Nang makita niya ako ay ngumiti ito at bumalik ulit sa kinakalikot nito. Dumungaw si yaya Lagring sa bintana at sinabing mag ingat daw ako doon at ayusin ang ugali dahil mag kaiba daw doon kisa dito sa City. Tumango lang ako. Sa labas naman ng pintuan ay nandoon ang dalawang katulong. Si Joy at jasmine. Nang makita akong nakatingin sa kanila kumaway ang mga ito pero inirapan lang niya. Hindi naman mga importante ang mga ito para laanan niya pa ng oras para magpaalam. They're just a maid but yaya Lagring is excepted. "Matagal pa ba si papa ma?" Hindi niya natiis na magtanong dahil busy parin ang papa sa katawagan nito. "Later dear. He's calling your ninong Archie." Tumango lang ako at kinuha ang cellphone at headset para makinig nalang ng music. Hindi naman nagtagal pumasok na ang papa niya. At sinabihang magpalit sila ng mama niya ng upuan kaya sinunod niya. Tahimik siyang umupo sa unahan habang ang mama at papa niya ay may pinag uusapan. "Okay ka lang ba diyan anak? At baka may naiwan kapa?" Her papa asked. She just shook her head and tell everything's settled. Umandar na ang sasakyan kaya natulog siya sandali. I woke up because of the buzz and the sounds of a vehicle. I look around and I noticed that were still in the city. I look for my cellphone to look for the time and it shock me! It's already 11 pm! Alas sais palang ng umalis kami sa bahay and yet were still in the car. Dinungaw ko ang labas at hindi ko na alam kong saan kami pero madaming sasakyan. Parang nasa High way pa ata kami. When I look for my parents in my back they are peacefully sleeping so I don't bothered they're anymore to ask something wasn't that important instead I asked tatay Amado daw kuno sabi ni mama. "Where are we now Amado?" Walang galang kong sabi. Shock visible in his eyes, her eyes dilated and wanted to say something but he close his mouth and cough a little to answer my question. What's wrong for calling him Amado? His not my tatay to call him that way, his just our driver. "M-malayo pa t-tayo Fely" utal nitong sabi. I dilated my eyes at him. What did he called me? Fely? Without respect as our worker? "What did you say? Fely? Hindi ko alam na wala pala kayong paggalang AMADO--" I even emphasize his name. "Call me ma'am or Miss Tanda! Huwag kang bastos. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho!" Nanggigigil niyang sabi. Sino ito para tawagin siyang Fely. Mahina lang ang boses niya para hindi marinig ng mga magulang niya na himbing na himbing sa pagtulog. Yumuko ang matanda at humingi ng patawad at hindi na daw mauulit. "You should! Ang tanda mo na ah baka naman kaya tayo matagal makapunta sa pupuntahan natin dahil diyan sa kakupadan mo. Ang dami namang puweding mag pick up samin bakit ikaw pa na kulang nalang matumba na dahil sa katandaan!" Hindi na ito nagsalita at mas lalo pang iniwas ang tingin habang nag mamaneho. Natulog siya ulit at mahimbing na ang tulog niya ng pukawin siya ng mama niya para kumain sandali. Humikab siya at tiningnan ang paligid pero parang nasa City parin siya dahil may mga small commercial at may mga mall sa paligid. Nang tingnan niya ang oras at ala una na pala kaya pala kumukulo na ang tuyan niya. Bumaba siya at kinuha ang cellphone. Sumunod siya sa mama at papa niya sa isang restaurant. "Kanina pa tayo nagbabyahe ma, parang nasa City pa tayo. At masakit na ang puwet ko kakaupo!" Padabog siyang umupo sa silya na matigas kaya napadaing ulit siya. "Ang tigas naman ng upuan ma!" Napahilot siya sa sintido dahil sandali itong sumakit. "Haay anak! Nasa Luzon pa tayo at ilang araw pa tayo bago makarating ng Sta. Catalina. Kung sa eroplano tayo sasakay baka isang araw lang pero gabi na makakarating kahit maaga kapa bumiyahe. Mga tatlong araw or lima ata tayo bago makakarating doon kaya kunting tiis lang hija." Tinawag ni mama ang waiter at nag order alam naman nito ang mga gusto namin ni papa. "Bakit hindi nalang tayo nag on air pa? Para mas madali." Sabi niya ng mailapag na ang kanilang pagkain. Nag uumpisa na ito sa pagkain ng magsalita ako kaya pinahid muna ni papa ang bunganga bago ako sagutin. "Mati-trace tayo anak kaya kailangang by land tayo. No choice na tayo at mas mabuti to para ligtas ka at safe. Kumain kana at wag na puro tanong." Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos pinagbalot ni mama si Amado ng pagkain bago kami lumabas. HINDI TUMAMA SA bilang ni papa na mga tatlong araw bago kami nakarating ng Sta. Catalina dahil limang araw bago kami nakarating at pagod na pagod ako. Buti nalang hindi ako pinahirapan ng baby ko. Ito na ata ang pinaka mahabang byahe ko sa tanang buhay ko at parang ayaw ko nang ulitin! Dumating kami sa San Diego at tumigil ulit para kumain. Mga alas osto pa ng umaga at hindi na kami tumuloy sa mga Hotel at inn dahil wala naman daw iyon dito. Malapit na daw kami at ilang bayan nalang bago kami makarating ng Sta. Catalina. Pagkatapos kumain bumiyahe ulit kami. Papalit palit ng drive si Amado at papa. From San Diego to San Antonio hanggang sa madaanan namin ang ikatatlong bayan ang San Andreas. Sabi ni mama katulad lang daw ng Sta. Catalina ang tatlong bayan, parihas na probinsiya. At may mga tanim sa paligid at maliliit na mga commercial as in mga maliliit hindi kagaya ng sa Manila. Noong dumaan kami sa San Diego at may nakita kaming mga malalaking mansion. Sabi ni mama ilang hacienda daw ang naroroon at ng dumaan kami sa San Antonio ay ganoon din. Napakalaki ng mga mansion! Mas malaki pa sa mansion namin sa Maynila. Ilang hacienda ang nadaanan namin. Katulad ng dalawang bayan ganoon din ang San Andreas. Sa dulo daw ng bayan ng Sta. Catalina ay nandoon naman ang bayan ng San Gabriel. Ididn't know that there's such a thing like this! Alas onse ng makarating kami sa Sta. Catalina at nakituloy sa isang pamilya na ngayon niya lang nakilala. At parang gusto niyang panawan ng ulirat ng makita ang bahay na tutuluyan niya! Isang bahay kubo! At pito daw ang nakatira dito ang mag asawa at ang mga anak na lima! My gosh, hindi niya ata kakayanin. May mga tubuhan at palayan siyang nakita kanina habang nag babyahe marami ding mga manggahan na nakakamangha. "Ma! Are you serious about me staying in this bahay kubo?" Nakangiwing sabi niya at pinasadahan ulit ng tingin ang bahay. Hindi pa kami nakakapasok dahil sa higpit ng yakap ko kay mama. Bakit may mga hacienda kaming nadaanan at malalaking mansion na nakakalula! At akala pa naman niya sa ganoon din siya titira then later on she find out this little bahay kubo. "Bakit hindi nalang tayo bumili ng lupa dito pa or we buy our own hacienda!" Inis niyang sabi dahil ayaw niyang tanggapin na dito siya titira. Gusto niyang maiyak sa inis! "Fely anak, sa tingin mo makakabili tayo ng hacienda dito? Kong magpapatayo bakit hindi. Pero nagtatago ka at kailangang low profile ka dahil mahirap na." Bumuntong-hininga nalang siya bago hayaan ang mama niya na kumatok. Ewan niya ba pero parang kinakabahan ang mama niya at parang nanginginig sa kadahilanang hindi niya alam. Kanina sa byahe ganito din ito parang iiyak na pero pinipigilan lang. Naisip niya baka namimiss na siya ng mama niya kaya ganoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD