Felicity
NANG MAKAUWI sinalubong kaagad siya ng mama niya at tinanong kong kamusta ang school at bakit siya umiiyak. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinila siya nito para pumuntang kwarto niya para tanungin kong anong nangyari. Sinabi niya dito lahat. Close sila ng mama niya at lagi siyang inii-spoil kaya hindi siya nila masisi kong ganito ang ugali niya. Umiyak lang siya dito ng umiiyak. Hindi niya alam kong makakapasok pa siya bukas, ayaw niyang makita pa ang dalawa at humanda ang Angel na yu! Makikita niya.
"Anak, ganyan talaga. Hindi natin mapipilit ang tao na mahalin tayo kung may laman ang kanilang puso. Mahirap diktahan anak. Tahan na, nandito lang kami at sadyang nag mamahal sayo."
"No ma! Hindi ko hahayaan na maging masaya sila, makikita ng Angel na yun!" Galit na galit talaga siya sa babaeng yun! At babawiin niya ang lalaking mahal. Bumuntong-hininga lang ang mama niya at inutusan na siyang magbihis. Lumabas na ito kaya naiwan siyang nag iisa at umiisip ng magandang gawin para makaganti sa babaeng yun. Naalala niya ang video ng dalawa sigurado siyang mapapatalsik ang babaeng yun dahil sa paglabag. Mawawalan din ito ng scholarship napangiti siya ng malapad. Kaya na ni Ken ang sarili niya at sa yaman nito kaya niyang bayaraan ang management ng school. Pero sa huli na ang video, mag iisip pa siya sa gagawin niya dito.
DUMATING ang gabi ng tawagin siya ni Joy para kumain. Naalala niyang classmates pala sila ni Angel. Napangiti ulit siya at pinapasok ito sandali.
"B-bakit ma'am Fely.." kinakabahang sabi nito at hindi makatingin sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at sinabing maupo sa sofa. Nagmamadali naman nitong ginawa. Kumuha siya ng mamahaling lipstick na hindi pa niya nagagamit, bagong bili lang ito ng mama niya galing ibang bansa.
"Here" inabot niya ito sa babae. Nanlaki ang mga mata nito at nag ningning na kinuha ang lipstick sa kanya.
Ang mga mahihirap talaga, sabik na sabik sa mga mamahaling gamit.tsk!
Aniya sa sarili. Ganun naman talaga sila mga basura.
"Akin na po to ma'am!" Masayang sabi nito. Tsk!
"Ano kala mo sakin charity? Asa ka namang ibibigay ko yan sayo!" Hahaha epic talaga ang mukha nito sa pagkakapahiya. Yumuko ito at nawala ang ningning sa mata bago humingi ng sorry.
"I want you to do something for me." Aniya. Tumingin naman ito sa kanya at nagpapahiwatig kong ano yun. Kaya hindi na siya nagpatumpik tumpik pa.
"Classmate mo yong Angel na girlfriend na ngayon ni Ken hindi ba? Medicine din ang kinukuha non diba? Kagaya mo." Tumango ito at nagtataka kong anong ipagagawa niya.
SA KABILANG panig kinakabahan ang dalagang si Joy dahil alam niyang mahirap ang ipagagawa ng malditang amo. Grabi ang saya nito kanina dahil kala nito ibibigay ng amo ang lipstick na iniabot dito, napahiya tuloy ang dalagang si Joy. Sa isip tuloy ni Joy.' Bakit kasi nakalimutan niya, si Felicity Montessori yan, hinding hindi yan mag bibigay ng ano man niyang gamit kahit luma na at hindi na nito ginagamit'. Lalo pang sumama ang loob ni Joy ng sinabihan pa ng amo na,
"Ano kala mo sakin charity? Asa ka namang ibibigay ko yan sayo!" Napakamaldita talaga. Kita sa mukha ang pandidiri sa kanya.' sa isip isip ng dalaga.
"I want you to do something for me." Ano naman kaya iyon? sa isip isip ni Joy. Sa totoo lang natatakot itong harapin ang amo dahil kunting galaw lang para na siyang bibitayin. Sana madali lang ang ipagagawa nito. sa isip isip ni joy na kinakaban.
"Classmate mo yong Angel na girlfriend na ngayon ni Ken hindi ba? Medicine din ang kinukuha non diba? Kagaya mo." Tumango ang dalaga at nagtataka kong anong ipagagawa nito. Kilala nito si Angel, mabait ito at masipag. Napakatalino rin nito siya ang top 1 sa kanilang klase. Alam nitong may relasyon na ang captain ng basketball na si Ken at Angel dahil lagi nitong nakikita sa library. Doon sila nagkikita para hindi sila makita ni Fely, alam nito ang ugali ng amo niya. Sa pagkaka alam ng dalaga sinagot na yun ni Angel dahil hiwalay na sila ni ma'am Fely. Kaya siguro pilit nakikipaghiwalay ang lalaki sa amo niya dahil hindi ito masagot sagot ni Angel hangga't sila pa ni ma'am Fely. Hindi na nito sinabi sa amo ang nalalaman. Kinakarma ata sa masamang ugali nito. Sa library rin ang tagpuan ng dalawa dahil hinding hindi naman tatapak ang amo niya sa library, tamad mag aral yun eh.
Felicity
"CLASSMATE mo yong Angel na girlfriend na ngayon ni Ken hindi ba? Medicine din ang kinukuha non diba? Kagaya mo." Tumango ito at nagtataka kong anong ipagagawa niya.
Ngumiti siya ng pilyo na ikinalaki ng mata niya. Lalo tuloy itong pumangit dahil sa pangit nitong expression.
"Put that lipstick in her bag, then act like she stole it from you. So that everyone think she's a stealer. A trash thief! You get it?" Tumulo ang luha nito at umiling na ikinalaki ng mata niya. Ang ingratang to!
Anong iniiling nito! Tinitigan niya ito ng mariin. Wala siyang pakialam kong pano niya gawin, i will use this stupid woman in front of me.
"What are you wagging at! Do what i say or your scholarship will be at risk.! Stupid moron! Get out on my face! Thick face!" Galit na galit niyang sigaw dito na ikinahagulhol nito sa pag iyak.
"Ma'am Fely, w-wag po. H-hindi ko po kayang gawin yun." Umiiyak nitong sabi. Walang awa niya itong itinaboy. Nang aalis na sana, kaagad niya itong tinawag.
"Lagyan mo muna ng alcohol ang inupuan mo, baka mahawa ako sa virus mo!" Saka niya tinalikuran ang babaeng umiiyak. Pumasok siya ng banyo at doon naligo.
ILANG ARAW na kaming gumagawa ng paraan para makahiganti sa Angel na yun! Nakagawa na kami ng una, iyon yong isang araw, pinagbabato siya ng mga estudyante ng kamatis at itlog kulang nalang isala sa kalaha, tawa tuloy kami ng tawa ng mga kaibigan ko. Served her right! Nandito kami ngayon sa kiosk nagtatambay, nag uusap ng mga dapat gawin. Walang pasok dahil malapit na ang summer busy na ang ibang professor. Kaya pa tambay tambay nalang sila.
"Guys! I have better idea!" Tili ni Jessica na kinuha pa ang salamin para maglagay ng lipstick at kunting blush on.
" What is it? Make sure it's worthwhile. I'm kinda bored too. What do you think Sam?" Nakangiti niyang sabi. Busy kasi ito sa pagbabasa ng pocketbook. Kumibit balikat lang ito at tuloy parin sa pag babasa. Tahimik lang naman talaga si Sam at mabait nadadala lang sa mga kalukuhan namin.
"Tell us" ani ni Sandra na tutok na tutok samin ang attention.
Mabuti nalang they're always with me, I don't what to do if some of them betrayed me. I know them for so long, magkababata kaming tatlo kaya alam kong maaasahan sila sa ano mabg bagay o secreto.
"Let's go shopping! C'mon!" Excited na tumayo si Jessica at kinuha ang pocketbook ni Samantha at nilagay agad sa bag niya. Umungot naman ang isa na ibalik nito.
"Ibabalik naman mamaya girl" saka nauna na. Kaya sumunod nalang kami. Habang naglalakad, nakita naming papunta sa direction namin si Ken galit na galit at nakatiim baga pa ito. Alam naman namin kong bakit. Hinintay naming makaabot ito.
"How dare you Felicity! You don't have any right to do something stupid among Angel! She's kind and innocent. Saakin ka nalang mag higanti huwag sa kanya!" Nanggagalaiting sabi nito na hinawakan pa siya sa braso ng mahigpit. Kaya pilit niyang kumakawala pero dahil sa higpit nito hindi niya magawa.
"Wala kang pakialam kung anong gawin ko Ken! Dapat lang yun sa kanya dahil inagaw ka niya sakin! Malandi kasi yang babae mo!"
Pak!
Natabingi ang mukha niya sa lakas ng pagkaka sampal nito. Tumulo ang luha niya at hindi makapaniwala sa ginawa nito. Kaagad na humarang ang mga kaibigan niya at pilit tinutulak si Ken sakin. Minumura nila ito pero nakatulala lang ako at hindi makapaniwala. Ang sakit na kaya siya nitong saktan dahil lang sa babae nito.
"Anong karapatan mo para saktan ang kaibigan namin ha! Totoo namang malandi yang Angel mo!" Sigaw ni Sandra. Malamig itong tumingin sa kaibigan niya.
"Huwag na huwag kayong gagawa ng bagay na ikagagalit ko. Lalo na kay Angel dahil hindi niyo magugustuhan ang ganti ko!"
Mariing sabi nito saka siya binangga sa braso ng umalis ito. Napaigik siya sa sakit ng braso niya ng tumama sa matigas nitong balikat.
"Okay ka lang ba Fely." Nag aalala nilang sabi. Pinahiran ko ang luhang tumulo at inaya na silang umalis papuntang mall.
Sa sasakyan ni Jessica sila sumakay para hindi na hassle. Tahimik lang siya buong byahe na ni respeto naman ng mga kaibigan niya. Sa haba ng relasyon nila hindi niya ito nakitang magalit ng matindi at kaya pa siya nitong saktan. Huminga siya ng malalim saka itinuon ang pansin sa labas ng bintana. Magiging okay din ang lahat.