Felicity
DUMATING kami sa gymnasium na puno at wala ng maupuan. Kaya ang ginawa namin pinaalis namin yong nasa harapan dahil kilala kami at hindi na ito nagdalawang isip na paupuin kami. Busy si Sandra sa kakatext kina Ysabel at sinabing magkikita daw kami mamaya sa Candy's café tumango lang kami ng sinabi nito at busy na sa nangyayari sa paligid dahil malapit ng mag umpisa. Hindi naman nagtagal at nag umpisa na ang laro at ang ingay ingay ng paligid at panay tawag sa pangalan ni Ken. Sikat si Ken sa Dela Merced International school at maraming nagkakandarapa dito. Sa tangkad nitong umaabot sa anim at dalawa na talampakan para kanang duwende kong itatabi katulad ko na hindi naman katangkaran.
"Ken! Go Ken! Shot the ball!"
"I love you Ken! Be mine!"
Marami pa ang sigawan ng naagaw ni Ken ang bula sa kalaban at tumakbo para sa two points score na nakuha nito kaya mas lalong ikinagulo ng mga estudyante. Nang mag diklarang break agad na tumakbo si Ken sa Bench kong nasaan si Angel at agad itong niyakap. Kinuha naman ni Angel ang towel at pinunasan ang pawis nito sa mukha hanggang sa likod nito at masayang nag uusap ang dalawa. Marami namang nag boo kay Angel pero hindi man lang ito pinansin ng dalaga Napaiwas siya ng tingin dahil sa sakit. Gusto niyang makita si Ken pero kung kapalit naman nito ay sakit huwag nalang. Biglang tumayo si Sam at masama siyang tinignan.
"Is this what you want Fely? To tortured your self? I'm sorry but I'm not masochist to look at you hurting for a jerk like him!" At kaagad na naglakad. Bigla kaming tumayo para sumunod dito at rinig pa namin kong anong sinabi ng mga nakarinig malapit samin. Hindi ko sila masisisi at wala akong pakialam sa kanila.
"Sam sandali!" Habol ko dito ng makalabas na kami. Hinigit ko siya ng tuloy tuloy parin ito sa paglakad.
"I-i'm sorry" hingi ko dito ng patawad. Nagmukha akong kawawa sa mga mata ng tao at ngayon ko lang narealize ng marinig ko ang sinabi ng mga estudyante malapit samin.
"Kawawa naman si Fely, ano kayang nakita ni Ken sa Angel na yan! Hindi naman kagandahan at isang poor." At nagtawanan ang grupong yun.
"Know your limits Felicity, were your friends since I don't know and were hurting to see you like that. Even though you didn't say anything but we can see it in your eyes." Bumuntong-hininga ito saka ako niyakap. Napaiyak ako kaya nakiyakap na din ang dalawa. Naisipan naming puntahan sila Ysabel sa sinabi nitong coffee shop. Ilang minuto lang ay nakarating din kami. Marami ang tao at halatang galing sa matataas na antas katulad namin. Nang makita namin sila sa may dulo malapit sa counter ay agad kaming lumapit. Nakipag beso pa kami bago umupo.
"What's happening to your eyes Fely? Did you cried? We heard the news" sabi ni Winona. Matapos ilapag ang menu. Napaiwas ako ng tingin at ikinuwento nila Jessica ang nangyari at katulad ng mga ito ay nagalit din kay Ken.
"Ang walang hiyang yun! Kahit gusto ko siya dati hindi ko parin siya mapapatawad sa ginawa niya sayo Fely. Isinakripisyo mo ang pangarap mong makarating sa international tournament ng volleyball at kahit kami para sa lalaking yun eh anong nangyari?" Napaismid si Winona at inirapan pa ako. Hindi ako makatingin dahil sa hiya.
"Ano ka ba naman Winona! She's already hurting!" Saway dito nila Georgia at Ysabel. Naiintindihan ko si Winona dahil saksi ito dati kong pano ako umiyak dahil sa pag give up ko sa aking pangarap.
"Were here to celebrate hindi para mag reminisce! Let's order already." Sabi ni Jessica. Kaya yun nga ang ginawa namin at napag usapan namin ang pag tatransfer next school year sa school nila. Maybe this time kailangan ko nang tuparin ang matagal ko ng pangarap. Next year nakapanganak na siguro ako kaya pwedi na. Marami kaming napag usapan hanggang sa nagpaalam na ang mga ito dahil may practice pa sila. Masaya naman kaming naghiwalay hiwalay.
ANOTHER DAY balik na naman sa klase dahil tapos na ang game sa basketball, sunod na ang sa swimming competition at weight lifting tapos volleyball at marami pang Events. Nang makaramdam ng tawag ng kalikasan nag excuse akong lumabas muna. Sasamahan sana ako ni Sam ng sinabi kong okay lang at sandali lang naman ako. Nang malapit na ako sa Cr nakasalubong ko si Ken na nag iisa at may dalang mga bola. Kaya napahinto ako at ganoon din ito. Pariho kaming hindi nagsasalita kaya ng aalis na sana siya ng tawagin ko.
"K-ken" huminto ito at hinarap ulit ako. Hindi ito nagsasalita pero tumingin ito sa relo na parang sinasabi nitong marami pa syang ginagawa.
"C-can I t-talk to you?" Utal kong sabi. Malamig ang mukha nito at halatang walang pakialam sa akin. Nang hindi ako magsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ay nagsalita na ito.
"Make it faster Fely! Pupuntahan ko pa ai Angel!" Matigas na sabi nito kaya napayuko ako at pinunasan ang isang butil na tumulo. Naglakas ako ng loob na magsalita.
"M-mahal pa rin kita Ken!" Tuluyan na akong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Napahilot ito sa noo niya bago bumaling sakin.
" I'm sorry Fely. Pero mahal ko si Angel at humihingi ako ng sorry dahil hindi ko natupad ang pangako kong mamahalin kita habang buhay. I tried to avoid her when were still in relationship because I don't want to make mistakes and I don't wanted to hurt you, but I'm already drowned in love with her. Sorry Fely, I hope one day mapatawad mo din ako." Tumango ako at ngumiti ng pilit. Siguro oras na para pakawalan siya. Minahal ko man siya ng buong buo pero hindi ko siya puweding kunin kay Angel dahil alam kong hindi siya magiging masaya sakin kapag ginawa ko yun.
Niyakap ko siya ng mahigpit sa huling pagkakataon. Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at humihingi ng sorry. Tumango tango lang ako bago siya pinakawalan.
"Sorry sa mga nagawa ko. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang makitang may kasama kang iba at may iba ng minamahal. B-but don't worry I'm setting you free Ken. You can love her freely and you don't need to think of me coz i can handle my self." Ngumiti ako sa kanya kahit masakit pero kailangan ko na siyang pakawalan para buo na siyang maging masaya sa piling ng taong pinili niya. Ngumiti na ito sakin saka ulit ako niyakap at hinalikan sa noo na lagi nitong ginagawa noon.
"Huwag kang mag alala Fely, nandito parin naman ako kapag kailangan mo." Sabi nito saka siya iniwan. Ng malayo na ito ay dali dali siyang pumasok sa isang cubicle ng Cr at doon umiyak ng umiyak. Masakit mang pakawalan siya at walang ama ang baby niya pero kailangan. Siguro kailangan niya munang mag bakasyon. Sa malayong lugar na walang nakakakilala sa kanya.
"I'm sorry my baby warrior, but I need to set your father Free. Someday you will understand." Sabi ko habang hinihimas ang tiyan na mayroon nang umbok. Naghilamos ako sandali bago lumabas. Nagulat pa ako ng makita si Angel na papasok. Napayuko ito at hindi makatingin sa kanya. Bago siya lumabas may sinabi muna siya dito.
"Love him very much Angel, don't worry I'm setting him free, and you can love him freely without thinking me anymore." Nakangiti kong sabi bago lumabas. Bumalik ako sa classroom at patuloy parin ang lecture, sininyasan ako ni Sandra kong bakit ang tagal ko. Hindi nalang ako nagsalita ay tumuloy lang sa pag sulat ng assignment.
MAGANDA ANG ARAW KO sa hindi ko alam na kadahilanan. Events na para sa mga sports. Final na ng basketball at dahil cheering squad ngayon mag pe-perform kami pero dahil sa condition ko sinabi kong hindi ako makakasali sinabi ko nalang na hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagsisimula na sa pagsayaw sila Sam, Sandra at Jessica. Nanonood lang ako ng makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura. s**t! Not again Baby warrior. Dali dali akong tumakbo sa gilid ng gym sa walang taong makakakita at doon sumuka ng sumuka. Ng matapos nag mumug ako sa mineral na dala.
"Huwag mo naman akong pahirapan baby warrior! " Kausap ko sa anak ng makaramdam ulit ng hilo. Kaya nag pahinga ako sandali.
"Your pregnant?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.