Felicity
CRAAASSSHHH!
A loud crashing noise when the glass fall over the ground and tear into pieces.
"What the fvck you doing! Hindi kaba nag iingat!" Malakas na sigaw niya sa isang katulong. Nahulog kasi ang basong ibibigay nito sakin. Mabuti nalang hindi siya natamaan ng bubog. Natataranta naman itong humingi ng sorry. Napahawak siya sa noo dahil sa inis.
"Sa susunod magdahan dahan ka, ano bang inimamadali mo? Tanga!" Umalis siya at nawalan na ng ganang kumain dahil lang sa isang maid. Nakita niya si Joy na nagtatakbo at tila nagmamadali at muntik na siyang mabunggo nito kong hindi lang siya umiwas, mas lalong uminit ang ulo niya dahil ang aga aga at nabubuwisit na siya.
"Ano ba Joy! Hindi kaba tumitingin sa dinadaan mo! Pano kong nabangga mo ako!" Sigaw niya sa sobrang inis, mga walang kwentang mga katulong!
"S-sorry ma'am F-fely, n-nagmamadali kasi ako." Paliwanang nito na yumuko pa.
"So, ako mag a-adjust ganoon? Kailan pa nag give way ang amo at ang katulong na ang masusunod!" Sikmat niya dito.
"Mga wala kayong kwenta! Pasalamat nga kayo ng dahil samin nakakapag aral kayo at nakakain ng masarap! Mga basura talaga! Alis at baka masipa kita!" Natataranta naman itong umalis at bakas sa mukha ang luhang tumulo pero hindi man lang siya nakaramdam ng awa dito. Napapahilot siya sa noo dahil sa inis sa mga ito.
"Ang aga aga anak, sumisigaw ka. Kumain kana ba?" Mahinahong sabi ng mama niya na pababa ng hagdan. Umupo ako sa sofa at inihilig ang ulo dahil sa naramdamang pagkahilo, s**t hito na naman! Kanina ko pa ito nararamdaman at sumuka na naman ako kanina. Dali dali namang lumapit sakin si mama at nag aalalang nag tanong kong anong problema.
"Okay ka lang ba anak? Namumutla ka! Yaya Lagring! Magmadali ka dadalhin natin si Felicity sa ospital!"
SIGAW ng ina ni Fely na bakas ang labis na pag alala. Kita niya kasing namumutla ito at parang nanlalata. Dali dali namang dumating ang matandang katulong kasama ang among lalaki na bakas din ng pag alala sa anak. Ang matandang katulong ay nagmamadaling tinawag ang driver na si Benito para maabisuhan na dadalhin ang among dalaga sa ospital.
"Fely anak, okay ka lang ba? Dadalhin ka namin sa ospital." Nag alalang sabi ng ama ng dalaga at walang pag dadalawang isip na binuhat ang anak na nawalan na ng malay. Hindi naiwasan ng ina ni Fely na mapaiyak dahil sa labis na pag alala sa anak. Bilang isang ina masakit sa kanya na makita ang anak sa ganitong kalagayan.
"Richard, a-ang anak natin!" Naiiyak na sabi nito sa asawa na nagmamadaling binuhat ang anak. Dinala ni Richard ang anak sa kotse at buti naabisuhan kaagad ng matandang katulong si Benito kaya kaagad na itong pinasibad ng maisakay si Fely.
NANG makaabot sa ospital kaagad itong inasikaso ng doctor at tinanong kong anong nagyari. Ipinaliwanag naman ng ina ni Fely na si rose ang nangyari at kalagayan nito.
"For the case of your daughter ma'am and sir, she was so stressed either physical or emotional, and she needs total rest. I suggest of some vacation to relax and her and clearing some peace of mind." Sabi ng doctor. Nagtinginan naman ang mag asawa. Hindi kasi nila alam na masyado na palang stress ang anak nila at wala man lang silang kaalam alam.
" My Daughter is pregnant doc, and she still a student. Can it affects to her situation?" Nag alalang sabi ni Rose.
"Apparently yes, Mr and Mrs. Montessori. She needs total rest, she needs some vacation. The case of your daughter is not merely. She's experiencing emotional stress I guess she needed to stop or else the baby's at risk." Sabi ng doctor bago lumabas. Malapit ng mag summer kaya naisipan ng mag asawa na pabakasyunin muna ang anak. Alam nilang masyado itong nasaktan sa break up nito with her boyfriend, Ken.
NAGISING si Fely na masakit ang katawan. Minulat niya ang mata at puting kisami ang bumungad sa kanya. Ng ilinga niya ang paligid puro puti din ito kaya alam niyang nasa ospital siya. Napahilot siya sa noo ng maalala ang nangyari. Siguro sobrang nag alala ang mga magulang niya. Ilang sandali pumasok ang ina niya at nang makita siyang gising na ay nagmamadali itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Lumuha kaagad ito at tinanong ang kalagayan niya kong anong masakit sabihin lang daw niya at tatawagin nito ang doctor.
"I'm okay ma, don't worry. When I be able to discharge ma? Maybe my friends already worried because I didn't go to school." Sinaway naman siya ng mama niya at huwag nang isipin ang school o ano mang bagay at ang pag tuunan niya ng pansin ay ang baby niya na muntik ng mapahamak dahil sa stressed siya lagi at kailangan niyang magpahinga para makabawi ang katawan niya. Tumango nalang siya dahil tama din ito. Marami silang napag usapan ng bumukas ang pinto at bumungad ang ama at si yaya Lagring na may dalang mga prutas at supot na halatang mga pagkain. Lumapit ang ama niya at hinalikan siya sa noo at tinanong kong okay na ba ang pakiramdam niya. Nagpapasalamat siya sa mga ito dahil laging nakaantabay sa kanya. Binuksan ni yaya Lagring ang lalagyan ng orange at binalatan bago ibinigay sakin na kinuha ko naman at kinain.
"Tumawag ang mga kaibigan mo at tinanong kong bakit hindi ka pumasok. Sinabi ko nalang na masama ang pakiramdam mo. May alam ba sila sa kalagayan mo anak?" Tanong ni mama habang hinahaplos ang buhok ko. Patuloy lang ako sa pagkain ng orange.
"Wala pa ma, at sasabihin ko naman huwag muna ngayon dahil magulo pa ang sitwasyon."
"Yong Ken na yun anak? Wala ba siyang balak na panagutan ka!" Nakaigting ang panga sa galit na sinabi ni papa. Sinaway naman ito ni mama at sabing huwag nang makialam pero hindi ito pinansin ng papa niya at tinanong ulit siya.
"Pa, masakit man pero ano pang magagawa ko? May mahal na siyang iba at kahit lumuhod pa ako sa harapan niya hinding hindi niya hihiwalayan si Angel." Umiwas ako ng tingin para hindi nila makita ang sakit sa mukha ko. Pero susubukan ko paring kausapin si Ken paglabas ko. Magbabakasaling mag bago and isip nito at ako naman talaga ang mahal niya kahit imposeble. But I'll never tell my condition I don't want my baby's at risks because of my wrong doing ang wrong decision. Mama's right, I shouldn't think about me anymore coz there's a little warrior in my womb that need me so much.
"You know what you're doing anak. Your old enough to make decisions on your own. Were here to guide and protect you what ever happens." Niyakap ako ni papa at ganoon din ang ginawa ko. Masaya ako dahil tanggap nila ang pagkakamali kong ito at nandito parin sila para tulungan ako.
LIMANG ARAW nang makalabas ako sa ospital at wala paring alam ang mga kaibigan ko, pero ang kinababahala ko ay ang napapansin nila saking katawan, katulad ng sabi ni Jessica kahapon na parang tumaba daw ako at lumaki daw ang balakang ko. Hindi lang naman ang mga kaibigan ko ang nakakapansin kundi ang nga kaibigan ni Ken na nakabunggo ko noong isang araw na pinansin din ang pagbabago. Hindi ko nalang pinansin at umalis agad para makaiwas sa kong ano pang tanong nila. Nakikita ko rin minsan si Ken at hindi ako makalapit dahil lagi silang magkasama ni Angel. Nag hahanap pa ako ng tyempo para makausap siya.
Naiinis pa rin ako kay Angel at ni hindi ko siya matagalan sa iisang place lang. Baka anong magawa ko kaya ako nalang ang umiiwas na ikinainis ng mga kaibigan ko. Na bakit daw ako pa ang iiwas at ang kapal daw ng Anghel na yun! Ngayon nandito kami sa loob ng classroom at wala ang Prof kaya nagkukuwentuhan lang kami. Tungkol sa tournament ng basketball team. Kong manonood daw ba kami or hindi nalang dahil baka ayaw ko daw makita si Ken.
"Fely! Doon nalang tayo sa bahay nila Sandra kisa manood ka dun at makita kong paano punasan ni Angel ang pawis ng gagong ex mo!" Naiinis na sabi ni Jessica at kinuha pa talaga ang bag ko para hindi kami makapunta. Kong ako lang, gusto kong makita si Ken kahit na nasasaktana ako gusto ko paring makita siya at malaman niyang nandito lang ako always supporting him even were not together anymore.
"Sige na kasi! Huli na to promise! Sandali lang naman tayo dahil manonood pa tayo sa volleyball team." Kumbinsi ko sa kanila. Umirap naman si Sandra na halatang ayaw din nito. Pero si Sam kahit ano namang desisyon doon siya.
Sandra and Jessica both sighed in frustration but later on they agreed. I'm happily hug them and prepare my things.
Lumabas na kami at papunta ng gymnasium ng makita ko si Joy na masayang nagkukuwentuhan kasama ang kaibigan nito kaya tinawag ko siya. Nanginginig itong lumapit sa kanya at ang kaibigan nito at ngumiti naman ng matamis pero ni hindi ko naman pinansin. Para ano? They are both trash and I didn't let my self surrounded by them.
"Bring my bag, it's Heavy." Saka niya tinapon dito na sinalo naman nito pero muntik ng matumba dahil sa lakas ng pagkakatapon ko. Kita ko pa kong pano nasugatan ang pisngi nito na nasabit pa ata sa zipper ng bag. Pero hindi niya man pinansin at tuloy tuloy lang na naglakad.
"Ms. Jessica, ako na ang magdadala ng bag mo, mabigat ata." Pa cute na sabi ng kaibigan ni Joy na Eve ang pangalan.
"Eve! Ano kaba! Nakakahiya!" Saway ni Joy pero hindi man lang pinansin ni Eve. Jessica stop walking and irritation shows her face through Eve. She raised her eyebrow before she talk.
"No need dear, baka marumihan ang bag ko mahal pa naman. You can't afford it so step away and don't come near me. Okay?" Mahinahong sabi nito saka naglakad napapahiyang tumigil ang kaibigan ni Joy at hindi na sumunod. Habang si Joy ay nililingon ang kaibigan at bakas ang lungkot sa mukha at awa na din para sa kanyang kaibigan.