bc

Can't Be With You

book_age16+
176
FOLLOW
1.1K
READ
arrogant
brave
boss
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ang mga tauhan ni Jeon Datiles ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Glydel Medina. At dahil dito, nagpasya ang lalaki na tulungan nang palihim ang babae sa pamamagitan ni Tristan na siyang malapit na pinsan ni Jeon.

Ngunit paano kung dumating ang panahon na unti-unti na pala niyang nagugustuhan si Glydel kahit na sa malayo niya lang ito napagmamasdan? Patatawarin kaya siya ng babaeng pinakamamahal kung sakaling malaman na sangkot siya sa pagkamatay ng mga magulang nito?

chap-preview
Free preview
Chapter One
GALIT na galit si Jeon sa kaniyang mga tauhan nang bumalik sa opisina at dala ang masamang balita. Hindi nila nakuha ang bayad ng bagong kliyente na humiram sa kanila ng malaking halaga dahil nakipagtigasan pa ng ulo at nagkabarilan ang mga ito. At sa kaguluhang iyon, nadamay ang dalawang matanda na nagbebenta ng kakanin sa gilid ng kalsada. Sinuntok ni Jeon nang malakas ang itinuturing na pinuno ng grupo na kaniyang inutusang maningil. Gigil na gigil siya rito dahil sa nangyari. Kung sumama ang lalaki sa paniningil, wala sanang kapalpakan na naganap dahil sa takot ang mga taong iyon sa kanya. “Ang tan*a mo! Simpleng trabaho lang, pumalpak pa. Matagal ka na rito sa trabahong ito pero nagkakamali ka pa!” singhal nito sa kaniyang tauhan. Hindi pa sapat ang kaniyang ginawa. Kinuwelyuhan niya pa ito at hinigpitan ang pagkakahawak. “Tama na iyan, Jeon. Tapos na iyon at wala na tayong magagawa pa,” pigil sa kaniya ng lalaking may katandaan na at saka hinawakan siya nito sa balikat. Kanina pa ito nakatingin sa ginagawa niyang pagpaparusa sa mga tauhan. “Pero Tito Oscar!” galit niyang saad nang hindi man lang inaalis ang talim ng pagkatitig sa isa sa kanilang mga tauhan. “Pasensiya na Mr. Datiles. Hindi po sinasadya ng grupo ko ang magkamali. Bigla na lang po kaming tinakbuhan ng mga tauhan ni Brando. At una po silang nagpaputok kaya lumaban lang kami,” paliwanag nito kay Jeon na halos mapaluhod na sa inabot nitong sunod-sunod na suntok mula sa huli. “At basta-basta na lang kayong nagpaputok? Hindi man lang ninyo tiningnan kung may ibang tao na madadamay!” Itinulak ni Jeon ang kaharap at muli niyang sinuntok na siyang dahilan upang ito ay tuluyang matumba sa sahig. “Jeon! Tama na iyan. Kahit patayin mo pa ang lalaking iyan o ang lahat ng mga tauhan natin na narito, hindi mo na maibabalik pa ang nangyari!” singhal ni Oscar sa pamangkin. Hindi na rin napigilan ang sarili dahil sa ginagawa ni Jeon. Kung noon ay siya ang nagpaparusa sa mga tauhan nila, ngayon naman ay ang pamangkin na niyang si Jeon ang gumagawa ng lahat. “Tito, may nadamay na mga inosenteng tao! Paano kung mag-imbistiga ang mga pulis at nalaman na tauhan natin ang salarin sa pagkamatay ng dalawang matandang iyon?” tanong ni Jeon na halatang nag-aalala sa kalalabasan ng kapalpakan ng mga tauhan nila. “Ako na ang bahala sa mga pulis. At isa pa, gumanti lang naman ang mga tauhan natin kaya huwag kang mag-aalala,” kalmado na nitong tugon sa pamangkin. Pinigilan agad ang bugso ng damdamin upang hindi na magalit kay Jeon. Saglit na nag-isip si Jeon. Hinawakan niya ang kaniyang ulo at tila nag-iisip ng maaaring gawin. Matagal na ang negosyo ng kaniyang tito at ngayon lamang may nadamay na inosenteng tao. At nang may sumaging paraan sa kaniyang utak, inihayag niya ito sa kaniyang Tito Oscar. “Huwag na ho. Ako na lang ang gagawa ng paraan pati na sa mga taong nadamay sa barilan.” Tinanguan ni Oscar si Jeon. “Sige, ipapaubaya ko na ito sa iyo. Pero puntahan mo na ang anak mo. Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Sheen. May sinabi ka yata sa kaniya pero nakalimutan mo raw.” Matapos marinig ni Jeon ang pangalan ng kaniyang anak, unti-unting nagbago ang reaksiyon ng itsura nito. Pansamantalang napawi ang galit niya kanina. “Sige, Tito. Aalis na po ako. Nangako ako kay Sheen na ipapasyal ko siya mamayang hapon.” Tipid niyang tinanguan si Oscar at saka kinuha ang jacket niya na naitapon kanina sa sofa. “Pasensiya na po talaga, Mr. Datiles,” hinging paumanhin ng tauhan ni Jeon sa kaniya nang mapadaan sa harapan ang huli. Nakakatakot na tingin naman ang itinugon nito sa lalaki bago tuluyang umalis. Gamit ang itim na sasakyan, ilang oras din ang ibiniyahe ni Jeon bago makarating sa malaking bahay ng mga pamilya Datiles. Pag-aari ito ng tiyuhin niyang si Oscar. Nang mamatay ang mga magulang ni Jeon, si Oscar na ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya. Pinag-aral at binigyan ng magandang buhay. Kapatid nito ang ama ni Jeon kaya siya na ang umako sa responsibilidad ng namayapang kapatid. Hindi gaya ni Oscar, mahirap lang ang naging buhay ng ama ni Jeon. Nagtatrabaho lang ito at nagtitiis sa maliit na sahod. Habang ang ina naman niya ay isang hamak na mananahi lamang. Wala ring kapatid si Jeon dahil sa nag-iisa lang siyang anak. Hinayaan siya ni Oscar na pamahalaanan ang negosyo nitong lending company dahil sa matanda na ang huli. Minsan na lang din itong sumasama kay Jeon kapag naniningil sa mga taong malalaki ang utang na pera. Kasalukuyang minamaneho ni Jeon ang sasakyang ibinigay ni Oscar sa kaniya nang bigla siyang may naalala. Bibilhan niya ng pasalubong ang anak niyang si Sheen. Dalawang buwan lang si Sheen nang iwanan ito ng dati niyang kasintahan na si Suzane. Minahal ni Jeon ang babae at ganoon din ito sa kaniya. Subalit nang kalauna’y unti-unti itong nagbago. Bigla na lang nanlamig at tuluyan na siyang iniwan nito. Ang huling balita niya ay ikinasal na si Suzane sa ibang lalaki. Walang ibang ginawa si Jeon kundi ang ibigay kay Sheen ang lahat-lahat. Mahal niya ang bata higit pa sa kaniyang buhay. Kaya ginagawa niya ang ano mang nais ng bata. Ngayon ay pitong taong gulang na ang kaniyang anak. Lumaki itong malambing at mahilig sa mga hayop lalo na sa pusa. Huminto ang sasakyan ni Jeon sa isang malawak na carpark. Iniayos muna ang pag-park ng kotse bago bumaba at naglakad papuntang pangunahing pintuan ng gusali kung saan siya bibili ng pasalubong para sa anak. Pagkapasok niya ay dumiretso sa escalator na patungong ikalawang palapag . At saka pumasok sa isang department store. Hinanap niya ang toy station at agad na pumili ng isang malaking manika. Ito ang bibilhin niya para kay Sheen. Pero bago pumunta sa cashier, tumingin-tingin muna siya ng iba pa. Baka sakaling may mas maganda pa sa kaniyang napili. “May kailangan pa po ba kayong bilhin Sir, bukod sa hawak n’yo po?” tanong ng isang saleslady sa kaniya at parang nagpapa-cute pa. Naguwapuhan ito kay Jeon. Sa tindig at ayos ng huli, walang sino mang babae ang hindi makakapansin. Tinapunan lang ng seryosong tingin ni Jeon ang saleslady na kumakausap sa kaniya. Pero walang imik niya rin itong binawi saka muling ibinalik sa mga nakahilerang manika na nasa kaniyang harapan. “Sir, sabihin n’yo lang po kung alin diyan ang gusto mo pong bilhin. Ako na po ang bahalang kumuha,” saad ng babae at panay papansin kay Jeon. Inayos pa nito ang palda at bahagyang itinaas. Halatang nagpapakita ng motibo sa lalaki. Humarap si Jeon sa saleslady. Tiningnan mula ulo hanggang paa. Maganda ito. Matangkad at siyempre maputi dahil sa trabaho niyang hindi nasisikatan ng araw. “Wala na,” sabi niya at tinalikuran na ang babae saka tinungo ang cashier upang magbayad. Pagkatapos, tinungo ang exit ng department store. Nasa labas na si Jeon nang magsalita ang saleslady na nagpapapansin sa kaniya kanina pa. “Bye, Sir. Balik ka ulit,” habol na sigaw nito sa lalaki. Hindi pa tuluyang nakalalayo si Jeon nang maisipan niyang lingunin ang pinanggalinggang department store. At nahagilap ng kaniyang mga mata ang isang babae na para bang tinititigan siya. Kunot-noo niya itong ginantihan ng tingin. Morena ang kutis ng babae hindi gaya ng ibang saleslady. Nagtataglay ng simpleng kagandahan at medyo may katangkaran. Nakatayo sa may gilid at magkakrus ang mga braso. Ilang minuto rin silang nagkatitigan. Subalit nag-iba ang hitsura ni Jeon dahil naiinis siya sa paraan ng pagkatitig ng babae sa kaniya. At dahil doon, nagpasya siyang bumalik sa loob ng department store. Binati pa siya ng saleslady na kanina pa nagpapapansin sa kaniya ngunit nilampasan niya lang ito at dumiretso sa babaeng nagpainit ng mukha niya. Samantala, wala namang kaalam-alam si Glydel na may naiinis na pala sa kaniya. Lutang siya sa mga oras na iyon. Hindi kasi mawala-wala sa kaniyang isip ang nobyong nakipaghiwalay sa kaniya kahapon. Wala siyang ideya kung ano ang dahilan sa biglaang pakikipag-break nito sa kaniya. Labin-pitong taong gulang pa lang siya nang magkaroon ng kasintahan. Tatlong taon din tumagal ang kanilang relasyon. Pero kahapon, kinausap siya nito at sinabing makikipaghiwalay na. Galit na galit si Glydel dahil sa walang sinabing dahilan kung bakit siya iiwan nito. Basta na lang itong sumulpot. Kaya pati sa trabaho niya ay dala ang pagkainis sa dating nobyo. “Hoy!” “Hoy ka rin!” Nagulat si Glydel nang bigla na lang siyang sinigawan ng lalaking costumer na may bitbit na malaking plastik bag. “Ikaw!” Sabay turo ni Jeon kay Glydel. “A-Ako ba?” tanong ng dalaga na nakaturo pa sa kaniyang sarili. “Oo! Ikaw nga!” Sunod-sunod na tango nito sa dalaga. “Eh, ano’ng ginawa ko sa iyo, Mister?” nagtatakang tanong ng dalaga sa kaharap. Wala siyang ideya kung bakit galit ito sa kaniya. “Bakit ang lalim ng titig mo sa akin kanina? May kasalanan ba ako sa iyo?” naiinis na tanong ni Jeon. “Ha!” Tiningnan ni Glydel ang mga kasama pagkatapos tiningnan naman ang kaharap. “Sigurado ka ba, Sir? Eh, halos lahat yata rito nakatingin sa iyo. At saka, hindi kita tinitingnan. Hindi naman kita kilala, ah.” sabi niya na siyang totoo naman. “Kitang-kita ko. Nakatingin ka sa akin at ang talim. Halos hubaran mo na ako sa katititig mo!” “Hoy! Teka lang! Kung nakita mo akong nakatitig sa iyo, hindi ko alam iyon. May iniisip ako at siyempre, hindi ikaw iyon!” napataas na ng boses si Glydel. Nagsisimula na rin siyang magalit sa kabastusan ng lalaki. “Hoy, Miss! Hindi kita lalapitan kung wala akong nakikitang mali.” “Eh-” Hindi naituloy ni Glydel ang kaniyang sasabihin dahil pinigilan na siya ng kaniyang supervisor. Lumapit na ito sa dalawa nang mapansing hindi na tama ang nagaganap. “Glydel, awat na,” saway nito at pagkatapos binalingan naman si Jeon. “Ah, Sir, pasensiya na po kayo. Hayaan mo po at pagsasabihan ko siya.” Hihirit pa sana si Glydel ngunit dinilatan siya ng mga mata ng kaniyang supervisor kaya minabuti na lamang niyang manahimik. Pinukulan naman nang malalim na tingin ni Jeon si Glydel. Nainis talaga siya sa babae dahil dinagdagan nito ang init ng kaniyang ulo. “Ikaw!” Sabay turo nito sa mukha ni Glydel. “Ano!” Hindi rin nagpatinag ang dalaga. Wala siyang pakialam kung sino ang kaniyang kaharap. Naiinis na itinuro-turo ni Jeon si Glydel gamit ang kaniyang hintuturo. Kung sana’y lalaki lang ang dalaga, baka nasapak na niya ito. Kaya hanggang turo lang ang kaya niyang gawin. Ngunit hindi niya inaasahan ang gagawin ni Glydel. Nairita ito sa katuturo ng daliri ni Jeon kaya naman walang pag-alinlangang kinagat ito ng dalaga. “Aray!” Kahit sumigaw si Jeon, hindi pa rin binitawan ng bibig ni Glydel ang pagkakagat dito. Hinawakan ng supervisor ang magkabilang balikat ni Glydel at pinipilit na inilalayo kay Jeon pero sa ginagawa nito, sumusunod ang lalaki dahil sa kagat-kagat pa rin ni Glydel ang kaniyang daliri. Nagtawanan ang ibang saleslady na naroon pati na ang ibang costumer. Ang iba naman ay naiinis lalong-lalo na ang saleslady na nagpapapansin kay Jeon kanina. “Glydel! Tigilan mo na ito. Matatanggal ka sa trabaho niyan!” Subalit ayaw pa ring bumitaw ni Glydel. Ang kaniyang inis sa nobyo ay naibaling niya kay Jeon. Nasasaktan na rin ang huli sa ginagawa niya kaya naman hinapit nito ang beywang ni Glydel at biglang hinalikan sa ilong ang dalaga. Tumigil ang lahat ng naroon sa loob ng department store. Nagulat sa ginawa ni Jeon kay Glydel. Ang babae naman ay namilog ang mga mata. Parang na-freeze sa hindi inaasahang paghalik ni Jeon sa kaniyang ilong. Inalis niya ang pagkakagat sa daliri ni Jeon. Umatras at binigyan ng malutong na sampal ang lalaki. “I-Ikaw!” singhal niya rito sabay turo. “Ako nga! Halik lang pala makapagpapapigil sa iyo.” Tinapunan niya nang mapang-inis na ngiti ang dalaga. Umiral tuloy ang pagkapilyo niya pagdating sa mga babae. Sa ganitong paraan din niya nakuha ang atensyon ni Suzane na siyang dating kasintahan. Wala na siyang choice kundi gawin ang ginawa niya kay Glydel. Hindi na nakapagsalita si Glydel. Nahiya siya sa nangyari dahil sa maraming nakakakita sa ginawang paghalik ni Jeon sa kaniya. Kaya naman agad siyang tumalikod at umalis. Sinundan naman siya ng tingin ni Jeon habang patungo sa isang pinto kung saan doon kumakain ang mga empleyado ng naturang department store. Bago tuluyang pumasok sa pinto,, nilingon niya si Jeon at matapang na ginantihan ng tingin ang lalaki. Sinundan pa niya hanggang sa makaalis ito ng department store habang pailing-iling.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook