HALOS lahat ng mga empleyado ni Tristan ay kay Glydel ang tingin. Hindi na lingid sa mga ito na playboy ang amo pero ngayon lamang nagdala ng babae si Tristan sa restaurant nito. “Siya nga pala, si Glydel, ang bagong pasok dito. Turuan n’yo at tulungan sa mga bagay na dapat niyang matutunan.” Nagkasalubong ang mga kilay ni Glydel at namilog matapos marinig ang sinabi ni Tristan. Hindi pa nga ito sumasang-ayon at ’di pa pumapayag sa alok ng lalaki, umaasta na na para bang sigurado na si Tristan na lilipat na si Glydel sa kanyang restaurant. “Halika sa office ko, may ipapaliwanag ako.” Sumunod naman si Glydel Kay Tristan kahit na nababakas pa rin ang pagkagulat sa mukha ng babae. “Ito nga pala ang opisina ko, Glydel. Kapag may kailangan ka o concerns, huwag kang mahiyang sabihin sa aki

