“Mas malaki ang kita ng restaurant ko kaysa sa sahod ng aking mga empleyado. Ganoon ako kabait na boss sa kanila. Pero kapag nalaman ko na nag-day off ka lang nang walang dahilan, wala kang maasahan na bayad.” “Ang suwerte naman nila.” “Naman! Mabait na guwapo pa.” Ngumisi si Glydel kay Tristan. Tila nagpapahiwatig na hindi ito sumasang-ayon sa huling sinabi ng lalaki. “Oh, huwag ka nang kumontra pa.” “Bakit, may sinabi ba ako?” “Wala nga pero tumahimik ka naman nang sinabi ko na guwapo ako. Totoo naman, ah! Marami ngang babae ang nagkakadarapa sa kapogian ko. Ikaw lang ang bukod tanging hindi.” Tumawa nang malakas si Glydel. “Tawanan ba ako.” “Hay naku, Tristan, ang aga-aga, nagpapahangin ka na. Bilisan mo na nga lang baka mas lalo akong mahuli sa trabaho.” “Huwag ka na

