“Good morning, Glyd!” Nagulat si Glydel nang mabungaran si Tristan sa harapan ng bahay ng babae. Hindi nito alam kung saan nalaman ng lalaki ang kaniyang address. “Heto almusal, para sa iyo. Alam ko wenaman na hindi ka pa kumakain.” Nakangiting iniabot ni Tristan ang dala niya sa hindi makapaniwalang mukha ni Glydel. “Bakit? At papaano?” Sapat na ang mga tanong na iyon para maintindihan ni Tristan si Glydel. “Well, I have connections. Ang ibig kong sabihin, marami akong sources para malaman ko ang tungkol sa babaeng gusto kong makilala nang lubusan.” Pinukulan ang masamang tingin ni Glydel si Tristan. “Joke lang, ikaw naman. Tinanong ko kay Miss Josie, siyempre. Siya lang naman ang alam kong lagi mong kasama at sa tingin kong makapagsasabi sa akin kung saan ka nakatira.” Al

