MASAYANG ibinalita ni Jeon kay Oscar ang tungkol sa nangyari. Nagpapasalamat naman ang tiyo nito dahil sa ligtas silang nakabalik sa kabila ng nangyari. “Mabuti naman at nagising din ang l*ko. Akala siguro niya hindi ko na makukuha ang kaniyang ilang buwan na bayad. Hanga ako sa iyo, Jeon. Wala ka talagang takot sa mga ganitong palakad na negosyo. Alam mong delikado pero matapang ka pa rin,” papuri ni Oscar sa pamangkin niya. “Pagsisilbihan ho kita, Tiyo Oscar hanggang sa abot ng aking makakaya. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ginagawa ko ito. Kayo ho ang nagsilbing pangalawa kong magulang kaya gagawin ko ang lahat para sa inyo.” Lumapit si Oscar sa lalaki at tinapik ang kanan nitong balikat. “Salamat. Maraming-maraming salamat, Jeon,” wi

