NAGTUNGO agad si Jeon sa kompanya na pagmamay-ari ni Mr. Barton. Nagsama siya ng ilang mga tauhan upang baka sakaling magmatigas pa sa kaniya ang huli, hindi siya magiging lugi sa labanan. Alam niya ang ugali ni Barton dahil sinabi nang lahat ni Oscar sa kaniya. Pagpasok pa lamang ni Jeon pati ng mga tauhan niya, may limang tauhan na ni Barton ang nakabantay. Dalawa sa kanila ang matangkad habang ang tatlo naman ay kagaya lang ni Jeon na may kapayatan ang katawan subalit matitigas. Bigating negosyante noon si Mr. Barton. Nagmamay-ari ng mga big bikes na may ilang brand sa visayas. Subalit nang mahumaling sa mga babae, unti-unti itong nawalan ng pera. Nang malaman ng asawa nito, sinampahan pa siya ng kaso at kinuha ang ilang pagmamay-ari ng lalaki. Upang makabawi, umutang si Mr. Barton ng

