“DAMN you,” bulong ni Margarette pagkaalis na pagkaalis ng waiter na kumuha ng mga order nila. Dinala siya ni Logan sa isang magandang coffee shop. Mas pinili nilang pumuwesto sa labas kaysa sa loob. Tila hindi naapektuhan si Logan sa pagbulong niya. Lalo pa ngang lumapad ang ngiti sa mga labi nito. Itinukod nito ang siko sa mesa at sinalo ng palad nito ang baba nito. Iniiwas niya ang kanyang tingin dito dahil nagsisimula na siyang mailang sa mga tingin nito. He was looking at her like she was the loveliest woman in the whole world. Ganoon din ito makatingin noong si Rosendo pa ito. “Damn you,” sabi uli niya. Tumawa ito nang marahan. “Damn me because I ordered all their muffins and donuts? Damn me because I wanna be with you longer? Maaga pa, Meggie. Isa pa, nagugutom ako. Hindi ako naka

