40

1656 Words

“UMUWI ako rito noon para ayusin ang mga ari-arian namin. Balak na sana naming ibenta ang bahay at lupa na ito na namana ni Mama sa mga magulang niya,” pagsisimula ni Margarette sa pagsasabi ng totoo kay Logan. Nasa hardin silang dalawa. Maganda na roon dahil regular ang ginagawang pag-aalaga ng papa niya. Nasa loob ng bahay si Ross kasama si Berta, ang yaya nito. “I... I had some issues with Bernard and Alyssa. Nasabi ko sa kanila na may asawa na ako. His name was Rosendo. Ang totoo, binalak kong pagpanggapin si Jay bilang asawa ko noon. Gabi nang makarating kami rito. Wala ang caretaker na dapat sana ay tumatao sa buong bahay...” Ikinuwento niya rito ang mga detalye kung paano nagtagpo ang mga landas nila. Kung paano ito nahulog sa grand staircase at nang magising ay wala nang maalala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD