“MOM, PAHIRAM po ng cell phone.” Umiling si Margarette. “No,” mariing sabi niya. Ipinadyak nito ang isang paa nito. “Mom!” “No,” aniya sa mas mariing tinig. “`Wag matigas ang ulo, Ross.” “Tatawagan ko lang po si Tito Logan, eh. Nami-miss ko na po siya.” “You can’t disturb him right now. May meeting siya. We’ll call him later, okay? Please, anak, huwag ka nang magdabog.” Halatang masama man ang loob, tumango pa rin ito. “Go to Lolo and help him water the plants.” Walang salita na sumunod ito. “Sino ba ang kinalolokohan ng apo ko, Meggie?” tanong ng kanyang ina. Tinutulungan niya ito sa paghahanda ng almusal sa kusina. Umuwi silang mag-ina sa San Pioquinto. Missed na missed na raw ng mga magulang niya ang apo ng mga ito kaya umuwi sila tutal ay wala pa rin siyang trabaho. Naisip n

