PINAGMAMASDAN ni Calvin si Logan habang tumatawa ito. Karga-karga uli nito ang isang batang babae na sa tantiya niya ay limang taong gulang lamang. Katabi ng mga ito ang isang babae na ina ng batang babae. Nasa likuran ng mga ito si Archie. Nasa mall ang mga ito at naglalakad na tila isang tipikal na pamilyang namamasyal. Kahit oras ng trabaho, wala sa opisina nito si Logan. Ayon sa isang manager na nakausap niya, madalas na nasa labas ng opisina si Logan kasa-kasama ang batang babae. Hindi siya makapaniwala sa kasiyahang nakikita niya sa mga mata ng kapatid niya. He looked so content and so happy. Wala kang karapatang maging masaya, Logan. Nagagalit siya dahil doon. Naiirita siya sa magandang ngiti sa mga labi nito, sa kinang ng mga mata nito. Matagal na panahon na rin mula nang makita

