KINABUKASAN, sindak na ipinaalam ng mama ni Margarette na nawawala ang anak niya pati ang yaya nito. Dali-daling ginising niya si Logan at hinanap nila sa buong kabahayan ang kanilang anak. Sa sobrang pagkataranta at pagkatakot niya ay napaiyak na siya. Alam niyang may hindi magandang nangyayari sa anak niya. Kilala niya ito. Ross was always lazy in the morning. Matagal muna itong nag-iinin sa kama bago ito bumangon. Hindi ito babangon nang ganoon kaaga para maglakwatsa. Makulit ito pero hindi nito naging ugali na umalis ng bahay na hindi nagpapaalam sa kahit kanino sa kanila. Ang hinala niya, tinangay ito ng yaya nito. Wala namang nakakapasok na iba sa loob ng bahay nila maliban kay Berta. Walang ibang tatangay sa anak niya kundi ang yaya nito. Ayaw niyang pag-isipan nang masama si Berta

