“SAAN mo dinala ang anak ko?” tanong ni Margarette kay Logan. Kausap niya ito sa telepono. “Sa bahay ko. Can you come over?” “Ano na naman `to, Logan?” Kunwari ay naiinis siya. Pero habang nagsasalita siya ay dinadampot na niya ang bag niya sa sofa at nagtungo na siya sa pinto palabas ng unit niya. “Basta pumunta ka na lang dito.” Pagkatapos nitong sabihin ang address ay tinapos na nito ang pag-uusap nila. Kanina ay hiniram nito ang anak niya. Ayaw sana niya ngunit hindi siya tinigilan ni Ross hanggang sa pumayag na siya. Jay told her she owed it to her daughter. Kung hindi niya hahayaang makasama ng anak niya ang ama nito, masama raw siyang ina. Hinahadlangan daw niya ang kaligayahan ng mag-ama niya. Alam daw nila pareho na hindi pababayaan ni Logan ang bata. Nakonsiyensiya naman siya

