“MANONOOD tayo ng sine?” gulat na tanong ni Margarette. Pagkatapos nilang kumain ay dinala sila ni Logan sa sinehan. Hindi na sila nag-dessert at tila hindi naman iyon inalintana ni Ross. Tinanguan siya ni Logan. “Request ng prinsesa natin. May gusto siyang panoorin kanina pero ang sabi ko ay hintayin ka na namin para mas masaya. Kinailangan ko rin kasi ng oras para maihanda ang cinema na ito.” Walang tao sa loob ng sinehan, sila lamang. Malakas ang kutob niya na wala talagang ibang tao na papasok doon. “Tayo lang ang manonood?” tanong pa rin niya upang makumpirma ang kutob niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakapanood ng sine ng kanyang anak. Hindi pa nila naranasang rentahan ang isang buong sinehan. Madalas, nakakalimutan niyang pag-aari nga pala ni Logan ang mall. Isang pitik

