“WHAT do you think?” Nilingon ni Margarette si Logan na kalalabas lamang ng fitting room ng isang panlalaking boutique. Kinailangan nitong palitan ang polong natuluan ni Ross ng ice cream kaya naroon sila. Hindi na sana sila sasama roon pero nagpumilit si Logan. Naging excited ang anak niya sa pagsha-shopping at hindi na bumitaw kay Logan. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Pinagmasdan niya ang suot nito na gray na polo. He looked dashing as always. Kahit ano yata ang isuot nito ay magiging makisig ito sa paningin niya. Iniiwas niya ang tingin dito. “Hindi bagay sa `yo ang kulay, palitan mo nang darker,” aniya kahit perpekto na ang polo shirt dito. Bagay nga ang kulay rito. Maganda rin ang lapat niyon sa katawan nito. “Okay naman, Mom, ah,” ani Ross. Binalingan nito si Logan. “Tito, y

