“YOU LIED to me! Pati ang anak ko, natutong magsinungaling sa `kin!” naiinis na sabi ni Margarette kay Jay. Hindi niya malakasan nang husto ang boses niya dahil baka marinig sila ng mga customer nito. Nasa loob sila ng fitting room sa shop nito. “I didn’t lie,” tugon ni Jay sa defensive na tono. “You lied by omission. Wala akong kamalay-malay, madalas na palang nagkikita sina Logan at Ross!” Ang anak mismo niya ang nagsabi sa kanya na nalibot na nito ang buong Louella kasama si Logan. Kaya pala malapit na malapit na ito at si Logan sa isa’t isa. “Hindi sila madalas na nagkikita. Minsan-minsan lang kapag wala siyang gaanong ginagawa sa opisina niya.” Defensive pa rin si Jay. Guilt was written all over his face. “Jay!” Nanggigigil na sinabunutan niya ito. “Ouch!” daing nito, pilit na in

