NAPAHIKBI si Nicolette na napayakap sa sarili. May bahagi sa puso niya na natuwa siya na marinig ang boses ni Lucas sa cellphone. Pero mas nangingibabaw ang galit sa puso niya dahil naalala ang nadatnan nito kahapon sa condo ni Lucas. “Kaya pala hindi ka nagpaparamdam dahil abala ka sa babae mo. Magsama kayong dalawa.” Inis nitong bulong na patuloy ang pagtulo ng luha. Ilang minuto itong tumambay sa balcony na yakap-yakap ang sarili at tahimik na umiiyak nang lumapit si Don Antonio sa kanya. Naupo ito sa tabi niya na inakbayan ang anak nitong napasandal sa dibdib ng ama nito. Napahalik pa ang don sa ulo ng anak nito at marahang hinagod-hagod sa punong-braso. “What's wrong, hija? Kahapon ka pa hindi umiimik a. Ano ang nangyari sa pagpunta mo sa Manila? Bakit hindi mo kasama si Lucas?”

