TAHIMIK ang tatlo habang nasa kahabaan sila ng byahe. Magkatabi sa backseat ang dalawang babae habang si Sixto ang driver. Pasimple namang napapasuri si Mika sa katabi nito. Para sa kanya, napaka typical lang ng itsura ni Nicollete. Hindi niya makita kung ano ang nagustuhan ni Lucas dito. Nakahalukipkip ito na nakadekwatro ang binti. Nasa gilid din ito ng pintuan na tila nandidiring maglapat ang balat nila ni Nicolette. Naiiling naman si Sixto na pasulyap-sulyap sa dalawa sa rearview mirror. Likas kasi talagang maldita si Mika. Kaya hindi na ito nagtaka pa na napakasungit nito kay Nicolette at napapataas kilay pa siya. “Uhm, Sixto, maayos naman na siya, ‘di ba?” tanong ni Nicolette dito na ngumiting tumango at nakamata si Nicolette dito. “Mas maayos na siya, Nics. Uhm. . . hindi pa s

