NANGINGITI si Lucas na pinagmamasdan ang asawa nitong nakatulog na sa tabi niya. Silang dalawa na lamang ang naiwan sa hospital. Pinauwi na kasi ni Lucas ang pamilya niya para masolo ang asawa niya. Panay ang halik nito sa asawang parang kuting na napakasarap ng tulog habang nakasiksik sa dibdib niya. Kahit kinukulit siya ni Lucas ay hindi nito maramdaman. Napuyat kasi ito. Idagdag pang napagod siya sa byahe at wala pa halos kinakain magmula kagabi. “Damn. Napakaganda naman talaga ng asawa kong iyan,” usal ni Lucas na nangingiting masuyong pinaghahalikan sa buong mukha ang asawa nito. “Uhmm. . . inaantok pa ako,” reklamo ni Nicolette ditong napahagikhik na pinagbunggo bunggo ang tungki ng kanilang ilong. “Sorry, honey. Hindi ko mapigilang kulitin ka e. Namis kita sobra. Ang hirap m

