Chapter 35

2407 Words

NANGANGATOG ang mga tuhod ni Nicolette na nakamata sa kanyang mga magulang na magkayakap! Para siyang lumulutang sa alapaap sa mga sandaling ito at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita! “Siya nga ang papa mo, honey. I'm so happy for you. We finally found them,” bulong ni Lucas na nakangiting naluluha na nakamata sa kanyang magiging in-laws. Napangiti din si Nicolette na patuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata. Namumugto na nga ang mga mata nito na kanina pa siya umiiyak sa pagdating ng kanyang ina. “At dahil lahat ito sa’yo, Lucas. Ikaw ang nagdala sa kanila sa akin. Paulit-ulit akong magpapasalamat sa'yo sa pagtulong mo sa akin. Hindi mo lang ako basta pinalaya mula sa pagkakagapos at kulong ko. Kundi ibinigay mo pa. . . ang isang buong pamilya na inaasam asam ko mula pagkabata.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD