NAPANGISI si Lucas na bumaling sa matandang senator na namutla at narinig ang sinaad niya kay Nicolette. “Ano na, senator? Hanggang dito lang ba ang kaya mo?” panghahamon nito sa matanda na nag-igting ang panga at naningkit ang mga mata. “Ikaw. . . sino ka ba talaga?!” bulyaw nito na mahinang ikinatawa ni Lucas na lalong ikinagalit nito! “Sino ako? Sumugod ka dito na hindi inalam kung sino ang makakaharap mo dito?” natatawang pang-uuyam ni Lucas dito sabay iling. “E bobo ka nga.” Dagdag pa nito. Lalong nag-apoy sa galit ang mga mata ng senator na hinugot ang caliber nitong mabilis na sinipa ni Lucas! Lumipad ang caliber nito sa ere na tinalon ni Lucas na sinalo iyon at itinutok ditong namutla at napaatras sa kabiglaan! Napangisi si Lucas na makita ang takot sa mga mata nito na kay

