Chapter 32

2336 Words

PAGDATING nila sa bahay ay naghihintay ang buong pamilya ni Gabby sa mga ito. Para silang nabunutan ng tinik na nakatarak sa dibdib na makitang maayos ang apat na bumaba ng sasakyan! Napatakbo pa ang mga ito na sinalubong sina Lucas at niyakap ang mga ito. Bakas ang galak sa kanilang mga mata na makitang walang masamang nangyari sa apat, lalo na kay Lucas at Nicolette na siyang naging pain sa daan para hintayin ang pagdating ng senator at mga tauhan nito. “Kumusta ang lakad niyo? Nahuli na ba ang senator na iyon?” maluha-luhang tanong ni Aling Gloria na nakahawak sa kamay ni Nicolette. Ngumiti ang apat na tumango-tangong ikinalamlam ng mata ng mga ito na nakahinga nang maluwag! “Opo, Nay. Nakakulong na po. Alam niyo po ba? Tumiwalag ang mga tauhan niya kaya napadali ang lahat. Kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD