NANGINGITI si Nicolette habang nakaupo siya sa lap ng asawa niya. Nasa kubo sila sa harapan ng bahay. Hinihintay dumating ang mga tauhan ni Lucas mula Manila. Hindi na kasi makapaghintay si Nicolette na makita ang ina nito. Kaya sa labas na sila naghintay ni Lucas at para na rin makapag-solo silang mag-asawa. "Lucas ha?" paninita nito na mapansing hindi lang basta halik ang ginagawa ni Lucas sa kanyang balikat. Nakasuot na kasi ito ng pantulog na strapless silky dress. May suot naman siyang cover na katerno ng dress niya pero nakalihis na iyon at kanina pa pinagdidiskitahang hinahalik halikan ni Lucas ang batok, leeg at balikat niyang naka-exposed. "Ang bango mo, honey, fvck. Sige na, hmm? Pagbigyan mo naman ako. Unang gabi natin oh? Tayo ang magtatabi ngayon, okay?" malambing ungot n

