"LET ME GO!" Malakas na sigaw ni Marinela habang wala pa rin siyang humpay sa paghampas sa likuran ng lalaking pangahas na bumuhat sa kanya.
Nakaupo lang naman siya sa loob ng opisina ng may-ari ng bridal shop na pinuntahan nila ni Ria. Kasama na rin nila doon ang pinsan niyang parang kapatid na rin na si Fabio.
Pero bigla na lang sumulpot doon ang herodes na si August. Wala man lang babala at basta na lang siya binuhat. Ayos lang sana kunh basta siya binuhat. Kaya lang hindi ganoon.
"Stay still, sige ka pagnahulog ka!"
"Bwisit ka! At hahayaan mo akong mahulog na herodes ka!" rekalmo niya.
"Hulog na masasaktan? Syempre hindi. Pero hulog na masasarapan. Why not, di ba?"
Kahit nahihirapan ay napaangat siya ng ulo at muling pinaghahampas ang likuran ni August. Inis na inis siya sa binata. Gusto sana niya itong tadyakan ngunit hindi naman niya magawa. Hawak nito ang dalawang paa niya. Habang ang ulo niya ay aalog-alog sa likuran nito.
Wala pa rin siyang tigil sa paghampas sa likuran ni August. Wala siyang pakialam kung masaktan man ito. Mas mabuti ngang masaktan ito para ibaba na siya nito.
Masuka-suka na rin siya at nakakaramdam na rin ng hilo, dahil sa pagbuhat nito sa kanya na parang isang sako ng bigas. Natigilan siya ng bigla na lang paluin nito ang kanyang pang-upo. Naramdaman pa niya ang pagpisil nito sa kanyang puwetan.
Hindi niya mapigilan ang paggapang ng mainit na pakiramdam sa gitna ng kanyang mga hita. Para sa kanya ay kakaibang kiliti ang dulot ng pagpisil ni August sa kanyang pang-upo. Ramdam na rin niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Alam niyang namumula na siya. Hindi man niya kita ang sarili.
"Ang lambot talaga ng butt cheeks mo. Ang sarap pisil-pisilin. Parang bulak sa lambot. Kagigil!" ani August at ilang beses pang tinapik ang puwitan ni Marinela.
Tapik na walang halong pambabastos. Gusto lang nitong manahimik si Marinela. Nagawa naman nito ng ilang segundo, pero nakabawi rin kaagad ang dalaga.
Bigla namang nagbalik sa katinuan si Mariniel ng marinig ang sinabing iyon ni August. Lalo lang kumulo ang dugo niya sa binata
"Bastos! Tsansing kang hudas ka! Sumusobra ka ng lalaki ka! Aba't nakailang pisil ka pa! Sige! Makawala lang ako rito sa pagkakabuhat mo, mata mo lang ang walang latay sa pagganti ko!" Halos mapatid na ang lalamunan ni Marinela sa lakas ng kanyang pagsigaw.
"Pero nag-iinit ka. Heto nga at ramdam ko pa."
"Bastos ka talaga! Babaero ka pa rin hanggang ngayon! Akala mo ba nakalimutan ko na ang pag-iwan mo sa aking hudyo ka! Masyado kang pafall tapos mang-iiwan din naman pala." Sigaw pang muli ni Marinela.
Ngunit si August ay wala man lang katinag-tinag sa pagbuhat sa dalaga. Wala ring pakialam sa mga isinisigaw ni Marinela sa kanya.
Oo at totoong iniwan niya noon ang dalaga. Pero hindi naman niya ito iiwan ng basta. Syempre may dahilan siya. Pero ngayon, gusto na niyang mabawi kung ano ang dapat kanya. Nakakapagod din ang mga nangyari. Pero hindi siya napapagod kay Marinela. Kung tutuusin si Marinela naman talaga ang pahinga niya.
Napatakip na lang si Marinela ng palad sa mukha, nang mapansin niyang pinagtitinginan na sila ng mga taong kanilang nadaraanan. May narinig pa siyang nagbubulungan habang nakatingin sa kanila.
Ang ikinaiinis niya lalo, ay sa halip na tulungan siya, pinanood lang talaga siyang tangayin ng lalaking may buhat sa kanya. Wala man lang naawa sa kanya. At habang nakatakip ang mga palad niya sa mukha ay may narinig pa siyang mukhang kinikilig sa kanila. As if nakakakilig ang pwesto niya. Ito nga at malapit na talaga siyang masuka. Konti na lang talaga, babaliktad na ang sikmura niya.
Natawa lang si August sa banta ni Marinela. Patuloy lang naman siya sa paglalakad habang buhat pa rin na parang sako ng bigas ang dalaga. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan o pagbulungan, sila ng mga taong nakakasalubong nila. Ano namang nakakahiya ay napakaganda naman ng babaeng buhat niya? Inis at galit nga lang sa kanya.
Pagkarating nila sa parking lot ay binuksan kaagad ni August ang passenger seat. Doon mabilis niyang idineposito si Marinela. Hindi niya binigyan ng pagkakataon na makapagreklamo ang dalaga. Nilagyan niya ito kaagad ng seatbelt at mabilis siyang nagtungo sa driver seat.
"Saan mo ako dadalahin? Alam mo bang kidnapping itong ginagawa mo?" reklamo ni Marinela. Sumipol lang naman ni August habang nakatingin sa daang binabagtas nila.
"Paano naging kidnapping? Si Fabio nga ang tumawag sa akin at ipinapakuha ka sa akin," sagot niya.
Saglit pa niyang tiningnan si Marinela at matamis na nginitian. Bago muling nagfocus sa daan.
"Saan mo ba ako dadalhin? Hindi ka ba talaga sasagot? Tatamaan ka sa akin!" banta ni Marinela na hindi man lang pinansin ni August. Sa halip ay tinawanan lang niya ang dalaga.
"Aray!" biglang sigaw ni August habang masama ang tingin kay Marinela. Iginilid muna niya ang sasakyan at pilit na tinitiis ang iniindang sakit. Nahawakan niya ang parte ng ulo na hinampas ni Marinela, may bukol iyon. Habang ang isa ay nakahawak pa rin sa manibela.
"Magsasalita ka kasi kung saan mo ako dadalahin. Hindi iyon tawa ka lang nang tawa. Baliw ka ba?"
"Bakit ba ang mapanakit mo?"
"Hindi mo kasi sinasagot ang tanong ko. Nagtatanong kasi ng maayos ang tao."
"Dapat ba pag magtatanong kailangang manakit?"
"Hindi naman. Pero hindi ka kasi nakikinig? Saan mo ba ako dadalhin?"
"Gusto lang kitang makasama. Bakit ayaw mo ba akong makasama?" may lambing na tanong ni August. Ngunit sa halip na kumalma, lalo lang nainis si Marinela.
"Sino ba naman ang gugustuhing makasama ka. Ayaw kong makasama ka ng tayo lang dalawa. Ano ba ang problema mo at binuhat mo pa ako kanina na parang sako? Bakit close na ba ulit tayo? Ipaaalala ko lang sa iyo Reyes, mula nang iwan mo ako ng basta sa ere noon, tinapos ko na rin ang pagkakataon mong makapasok sa buhay ko. Ayaw ko sa iyong babaero ka. Happy go lucky ka at akala mo kung sino. Hindi ka rin naman mayaman. Sinuwerte ka lang sa buhay kaya may sarili ka ng security agency. Kaya pwede bang tigilan mo na ang pambubwisit mo sa akin. Hindi kita gusto okay. Ang chance mo sa akin noon, ay natapos na, ilang taon na ang nakakalipas. Kaya wala ng dapat balikan pa. Hindi na kita gusto. Naaasar ako sa iyo. Naiinis ako sa pagmumukha mo. Babaero ka, wala kang kwenta," mataray na saad ni Marinela. Habol pa ang kanyang paghinga dahil sa inis. Na nararamdaman niya.
Tahimik lang namang nakikinig si August sa mga sinasabi sa kanya ni Marinela. Nakalimutan na rin niyang sumasakit nga pala ang ulo niya dahil sa paghampas sa kanya ni Marinela ng cellphone niyang nakapatong sa dashboard kanina.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya."
Nakaramdam naman hiya si Marinela sa mga nasabi niya. Lalo na ng mapansin niyang iniangat ni August ang kamay nito, at pasimpleng nagpunas ng mga mata.
"Ihahatid na kita kung saan mo gustong ihatid kita. Pasensya na ulit. Sorry talaga," dagdag pa ni August.
Hindi na makita ni Marinela ang August na kasama niya kanina. Walang sigla, hindi nang-asar.
Napabuga ng hangin si August. Naroon ang kirot na nasaktan siya sa sinabi ng dalaga. Tipid na lang niyang nginitian si Marinela at nagsimula na ulit magmaneho.
Ramdam ni Marinela na biglang pag-iiba ng paligid. Parang naging awkward para sa kanilang dalawa ang hangin sa loob ng sasakyan.
"Pakihatid na lang ako sa company ni Fabio," ani Marinela. Naroon naman ang mommy at daddy niya ganoon rin ang anak nina Fabio at Ria. Kaya doon na lang siya magpapahatid kay August.
Tahimik lang sila buong byahe. Wala ng ibang nagsalita. Si August man ay seryoso lang na nakatingin sa daan. Ngunit ramdam ni Marinela na nasaktan si August sa mga sinabi niya. Gusto man niyang magsorry ay hindi niya malaman kung paano magsisimula. Hanggang sa maihatid na siya ni August sa labas ng kompanya ni Fabio.
Pagkababa ni Marinela ng sasakyan ay balak sana niyang magsorry kay August. Hindi niya intensyon na masaktan ito sa sinabi niya. Galit lang siya kaya nakapagsalita siya ng ganoon.
Ngunit pagkababang-pagkababa pa lang niya ay naisara na rin kaagad ni August ang pintuan ng passenger seat at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Malungkot lang na nakatingin si Marinela sa papalayong sasakyan. Napahawak na lang siya sa dibdib niya sa tapat ng kanyang puso. Nagtataka siya sa sarili kung bakit nasasaktan siya sa isiping galit sa kanya si August. Dapat ay wala siyang pakialam sa nararamdaman nito. Ngunit heto siya, guilty sa mga sinabi niya sa binata. Nag-aalala pa siyang galit ito sa kanya.
"Ang weird naman. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Di ba dapat wala lang iyon. Pakialam ko ba kung galit siya! Pero bakit nasasaktan ako. Guilty rin ako sa sinabi ko kanina sa kanya na hindi siya mayaman at sinuwerte lang siya. Ano naman kung hindi siya mayaman? Ano rin kong sinuwerte lang siya. At iyonh wala siyang kwenta. Hindi kasi totoo iyon. Nagsikap kasi iyong tao kaya umasenso hindi dahil sa swerte. Bakit kasi ang tabil-tabil ng dila ko? Kung anu-ano ang sinasabi!" Napapadyak na lang si Marinela. Hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi rin niya alam kung paano siya magsosorry kay August. Lalo na ngayong alam niya sa sarili niyang may kasalanan siya sa binata.
SAMANTALA, sa bilis ng takbo ng sasakyan ni August at sa pagdaramdam sa mga sinabi sa kanya ni Marinela, ay hindi niya napansin ang biglaang pagtawid ng isang aso sa kalsada. Mabilis niyang kinabig ang manibela ng sasakyan para iwasan ang kawawang nilalang. Ngunit hindi niya napansin ang hanay ng mga concrete barrier. Bumangga siya roon, dahilan para unti-unting magdilim ang kanyang paningin.