Chapter 2

1619 Words
"AKALA KO BA AY KASAMA KA NINA FABIO AT RIA, ANAK?" bungad agad na tanong ng mommy niya ng bigla na lang siyang pumasok sa pinakaopisina ni Fabio. Naroon ang mommy niya habang binabantayan ang sanggol na nag-eenjoy naman sa pagtulog sa stroller nito. Habang ang daddy naman niya ay abala sa pagbabasa ng mga papeles, ay napalingon din sa kanya. "Iyon rin ang alam ko mommy. Pero bigla na lang nagtungo doon ang herodes na si August. Walang babala na bigla na lang akong binuhat na parang sako ng bigas at dinala sa sasakyan niya," reklamo niya. Naiinis pa rin siya kay August, kahit nakaramdam siya ng guilt sa mga masasakit na nasabi niya sa binata. "Ah, ay kasama mo ba siya ngayon? Nasaan naman siya anak?" "Nope. Nagpababa lang ako dito tapos ay iniwan na lang ako ng basta. Hindi man lang nagpaalam natapakan ko yata ang ego niya. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman akong pakialam sa kanya. Arte-arte n'ya." Nagkatinginan ang mag-asawa. Nagkibit-balikat pa ang mga ito, na ipinagtaka niya. "May gusto po ba kayong sabihin sa akin? Mommy? Daddy?" "Anak, ano bang ayaw mo kay August? Mabait naman iyong tao. Higit sa lahat kilala na namin. Ano ba ang ayaw mo sa kanya?" "Sus daddy, babaero ang isang iyon. Hindi nga yata makakatagal ang isang iyon na walang babae sa loob ng isang linggo." "Sigurado ka ba dyan anak?" "Oo naman daddy. Noong kauuwi nga lang ng isang iyon ay tinawagan siya ni Fabio, kasi nagpapatulong para hanapin noon si Ria bilang si Mario. Pero ang herodes may kasamang iba," giit pa ni Marinela. "Ibig sabihin wala ka talagang pupuntahang iba noon at gusto mo lang makibalita kay Fabio. Kaya si Fabio ang sinundan mo. Ganoon ba anak?" "Yes po mommy. Tinawagan siya ni Fabio, pero mukhang naghihingalo na dahil sa babaeng kasama niya. Tapos matapos ang mahabang minuto. Kung anu-ano na ang sinabi kay Fabio. Na kesyo pinauwi na raw ang kasama kahit maagap pa. Na muntik pa raw siyang mabitin dahil sa pagtawag ni Fabio. Kaya ano ang iisipin ko? Babaero talaga ang isang iyon," inis niyang saad. Lalo lang nagpuyos ang kalooban ni Marinela ng maalala ang narinig niya sa pagtawag ni Fabio kay August noon. Alam naman niyang wala siyang karapatang magalit o mainis. Pero iyon ang naramdaman niya ng marinig niyang may kasama itong iba. Kaya lalo lang niyang napagtanto na tama lang na hindi sila nagkatuluyan ni August. Nasundan na lang niya ng tingin ang daddy niya ng mula sa pwesto nito sa pagkakaupo sa harap ng working table ni Fabio ay tumayo ito. Naglakad ito papalapit sa kanila ng mommy niya at sa anak nina Fabio at Ria. "Anak, walang ibang babae si August. Biruan lang iyon ng dalawa. Alam mo namang magkaibigan ang dalawang iyon." "Naku daddy, hindi po ako maaaring magkamali sa narinig ko." "Paano kung sabihin namin na nagkakamali ka nga anak? Mabait at responsable si August. Gusto nga namin siya ng mommy mo para sa iyo. Lalo na at kaibigan rin ito ni Fabio." Napasimangot naman si Marinela sa sinabing iyon ng daddy niya. "Ano po ba ang pinakain sa inyo ni August at parang gusto na ninyo siya para sa akin. Sinaktan ako noong isang iyon. Nakalimutan na po ba ninyo? Alam niyang gusto ko na siya. Pero dahil naduwag na baka maging alagain na ako dahil sa aksidente ko, ayon naglaho na parang bula. Kahit nga komunikasyon kay Fabio, sa inyo nawala. Pati pamilya niya kasama sa ibang bansa. Anong tawag doon?" Napabuntong-hininga si Arkins. Tumitig sa asawa na para bang sinasabi na kausapin nito ang anak. "Hindi naman kasi ganoon Marinela. Anak, nang nalaman naming umuwi na si August ay pinuntahan namin siya kaagad ng daddy mo. Hindi ka namin kasama kasi sabi mo ay may pupuntahan ka. Bago pa nakausap ni Fabio si August ay pinuntahan na namin si August noong gabing iyon para sana kausapin at matulungan kaming mahanap si Mario. Dahil kahit kami ng daddy mo ay nagtataka sa biglaang pag-alis ni Mario at naguguluhan din kami sa sinasabi ni Fabio. Kaya nais din namin sanang malaman ang totoo. Pero dahil tumawag si Fabio kay August, sinabi na lang namin sa kanya na iyon din talaga ang pakay namin sa kanya. Kaya sila na lang ni Fabio ang mag-usap at balitaan na lang niya kami," paliwanag ng mommy niya. "Ay ano po ang sinasabi ng isang iyon kay Fabio? Nakaloudspeaker pa si Fabio kaya dinig na dinig ko." "Masama pa noon ang pakiramdam ni August ng puntahan namin siya. Pabalik-balik ng banyo. At ang sinabi niya kay Fabio, biro lang ang lahat at walang katotohanan. Lalo na at naririnig namin ang usapan nang dalawa noong mga oras na iyon." Parang may kung anong tinik na nabunot sa puso ni Marinela ng marinig ang paliwanag ng mommy at daddy niya. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam na naman ng inis pag naiisip niyang iniwan siya ni August noong mahal na niya ito. Kaya mas gusto pa niyang tumandang dalaga kung kay August lang din naman siya mapupunta. "Ah, okay po. Wala naman po iyon sa akin kung may babae siya o wala. Ang sa akin lang ayaw ko sa kanya." Sabay pang nailing ang mag-asawa sa naging reaksyon niya. Siya naman ay nailing na lang din. Wala na rin kasi siyang masabi. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni August. Sa halip na sagutin ay nilagay na lang niya iyon sa silent mode. "Hindi mo ba sasagutin anak?" tanong pa ng mommy niya. "Hindi mommy. Naiinis pa rin ako sa kanya. Hindi ko siya masasabihan ng masasakit na salita kung sumasagot siya sa tanong ko." "Nag-away kayo?" "Ako ang inaway niya daddy. Tapos sa akin pa nagalit. Totoo namang hindi siya mayaman at sinuwerte lang siya kaya ngayon may sarili na siyang security agency at naging detective pa. Isa pa nadulas lang naman ako nang sabihin kong wala siyang kwenta. Hindi ko naman iyon sinasadya. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin ko. Nahurt ko yata siya kasi natapakan ang kanyang ego." Napahilamos ng palad ang daddy niya. Alam naman niyang mali siya sa mga sinabi niyang iyon kay August. Kaya lang hindi niya alam kung paano hihingi ng sorry. Guilty talaga siya. At kaya hindi niya masagot ang tawag ni August kasi nahihiya siya sa binata. Ang dahilan naman kaya ganoon ang pagkakasabi niya sa mommy at daddy niya ay para rin matabunan ng pride niya ang kahihiyan niya. Ang totoong nais niya ay sabunin siya ng sermon at pangaral ng mga magulang niya. Dahil sa pagiging childish at sa pagiging manhid sa pagsasabi ng salitang lampasan naman talaga. Nakailang tawag na rin si August, pero hindi na talaga niya sinagot ang tawag. Ang mga magulang niyang hinihintay niyang sermunan siya ay hindi na nagsalita. Nakatingin lang rin ang dalawa sa cellphone niyang patuloy na umiilaw dahil sa patuloy na pagtawag. Hanggang sa nawala ang huling tawag at hindi na nasundan pa. Napabuga na lang siya ng hangin. Napuno sila ng katahimikan. Ilang minuto ring walang nagsalita. Hanggang sa muling umilaw ang cellphone niya at si Fabio naman ang tumawag sa kanya. Kaya naman sinagot na niya iyon. "Where are you? Okay ka lang? Nasaan kayo?" Napakunot-noo si Marinela sa tanong na iyon ni Fabio. Dahil sa nagtataka siya kung totoong si Fabio ang tumawag ay inilayo na lang niya sa kanyang tainga ang aparato at inilagay na lang niya sa loudspeaker iyon. Para na rin marinig ng mga magulang niya ang pag-uusap nilang dalawa. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Okay lang naman ako. Nasaan ba si August?" "Anong lagay ni August?" "Anong? Anong lagay ni August? Syempre okay lang iyon. Galit pa nga yata sa akin. Ano ba ang ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo ngang mabuti." Narinig ni Marinela ang pagbuga ng hangin ni Fabio. Ganoon rin ang boses ni Ria na parang kinakalma ito. Bigla tuloy siyang kinabahan ng hindi niya malaman kung anong dahilan. "Kayo ang magkasama di ba? Nasaan kayo?" "Narito ako sa opisina mo. Kasama ko sina mommy at daddy. Pati na rin ang baby ninyo. Dito ako iniwan ni August. Nagalit yata dahil sa nasabi kong hindi ko naman sinasadya." "Ibig sabihin wala kang alam talaga sa kung ano ang lagay niya? Ang sabi ng pulis na tumawag sa akin walang malay si August, matapos mabangga sa mga concrete barrier ang kotse niya. Maliban roon ay wala na akong alam sa kalagayan niya." "A-anong mabangga? M-maingat pa sa iyo ang isang iyon sa pagmamaneho. Paano nangyari iyang sinasabi mo?" "Iyan rin ang gusto kong malaman sa iyo. Nawawala lang naman ang ingat noon sa pagmamaneho kung distracted, ang isang iyon. Kaya ako ang tumawag sa iyo kasi hindi ka raw sumasagot sa tawag. Number mo kasi ang nasa emergency call ni August. Noong tinanong ko, kung walang kasama si August kasi magkasama kayo. Ay nasabi rin nga pala ng pulis, na wala siyang kasama nang maaksidente siya. Kaya tinawagan kita kaagad, kasi ang alam ko magkasama nga kayo," paliwanag ni Fabio. Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Naroon ang labis na pag-aalala nila kay August. Hindi na rin sila nakapagsalita. Kahit ang makapagtanong kay Fabio ay hindi na nila nagawa. Nang bigla na lang mabitawan ni Marinela ang cellphone nito. At tuluyan ng maputol ang tawag. Hindi tuloy alam ni Marinela kung ano ang dapat niyang isipin. Bumibilis ang pagtibok ng puso niya. Ngunit isa lang ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na iyon. May kasalanan siya sa nangyari ngayon kay August. Lalo lang tuloy nadagdagan ang guilt na nararamdaman niya. Bukod pa roon ay ang labis niyang pag-aalala sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD