DAHAN-DAHANG iminulat ni August ang mga mata. Nararamdaman niya ang munting kirot sa kanyang ulo. Akmang hahawakan sana niya ang ulo nang mapansin niyang may nakalagay sa kanyang kamay. Nasundan na lang niya iyon ng tingin. Hanggang sa mapansin niyang nasa loob siya ng isang silid sa ospital.
Napatutok ang tingin niya sa may pintuan. Nag-aabang kung may papasok doon. Ngunit bigla siyang nagulat nang may bumulalas ng salita sa tabi niya.
"Oh my God August! Mabuti naman at gising ka na," wika ng isang tinig na kilala niya, kaya naman napalingon siya dito.
"Marinela? What are you doing here?" gulat niyang tanong nang makita niya ang dalaga. Napapikit pa siya ng muling kumirot ang ulo niya.
Pagmulat muli ng kanyang mga mata ay saka lang niya napansin na naroon din sina Fabio at Ria.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Fabio ng makalapit sa tabi niya.
"Hindi ko masabi kong ayos lang. Sumasakit kasi ang ulo ko. Akala ko nga katapusan ko na kanina. Naalala ko lang bigla ang an--." Natigilan sa pagsasalita si August at tumingin kay Fabio.
"Dont worry, nasa bahay sina mommy at daddy kasama ang----, ang anak ko," ani Fabio sabay kindat kay August.
Nakuha naman niya kaagad ang nais iparating ni Fabio. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi kasi alam sa bahay niya na hindi siya makakauwi kaagad kaya nag-aalala siya. Wala pa naman doon ang mga magulang niya. Pero dahil sa nais iparating ni Fabio ay nakahinga siya ng maluwag.
"Ano bang nangyari sa iyo? Kilala kitang maingat sa pagmamaneho, pero anong dahilan at parang wala ka sa sariling binangga mo iyong concrete barrier? Huwag kang mag-alala, naayos ko na ang damage mo. Binayaran ko na."
"Thank you."
"Anong thank you? Ano ngang dahilan at naaksidente ka?"
Napabuntong-hininga na lang si August. Paano ba niya sasabihing nasaktan siya sa sinabi sa kanya ni Marinela. Maiintindihan naman niya eh, at totoo naman ang sinabi nito sa kanya. Pero kung iba ang nangmaliit sa kanya ay wala lang naman iyon sa kanya. Kaya lang si Marinela kasi iyon.
"May iniisip lang ako kanina," sagot na lang niya.
"Oh by the way, hinintay ka lang talaga naming magising at uuwi na rin kami ni Ria. Maiiwan dito si Marinela. Isa pa kailangan mo ring sabihin sa kanya ang tungkol sa----, alam mo na iyon. Kahit aminin mo lang na may-----. So ayon. Kasi iyon naman ang totoo. Kasi sabi ng doktor, wala namang napinsalang delikadong parte ng katawan mo. Ang ulo mo ay nagkaroon ka ng minor injuries sa labas. Pero okay sa loob. Problema mo lang ay ang paa mo. Wala namang nabali na buto. Pero nagkaroon ng crack ang buto mo sa paa. At iyong sugat na natamo mo. Masyadong malaki ang sugat sa talampakan. Maaaring sa pagkilos mo. Iyan ang ginamit mong pananggalang sa bakal. Ay lampasan sa binti mo eh. So ayon, kaya ilang buwan ka ring hindi makakalakad. Kaya kailangan mo ng aalalay sa iyo," paliwanag ni Fabio.
Napatingin naman siya kay Marinela na medyo nakakunot ang noo. Siguro ay dahil sa mga sinasabi ni Fabio na pinuputol nito, pero nauunawaan niya.
"Marinela," aniya.
"Hindi mo man aminin alam kong may kasalanan ako kaya ka naaksidente. Sorry hindi ko naman sinasadya ang mga nasabi ko. Alam mo naman na naiinis ako sa iyo. Gusto lang naman kitang asarin pero hindi ko akalaing didibdibin mo ang sinabi ko. At para makabawi, kahit ayaw kong makita ang pangit mong mukha magpapaalipin ako sa iyo. Kung hindi lang ako kinonsensya ni Fabio at nina mommy at daddy. Hindi ko gagawin na alagaan ka. Oo sinabi ko sa kanila ang sinabi ko sa iyo. Kaya alam kong guilty ako, okay!" ani Marinela at tinalikuran na siya. Nagtungo ito sa tabi ni Ria na nakaupo sa maliit na sofa na naroroon.
"Sure ba sila?"
"Panahon na rin naman. Hanggang kailan ka magtitiis? And take note, alam pala ni Marinela ang kalokohan mo noong tawagan kita para ipahanap sa iyo si Ria na bilang Mario pa. Akala talaga ng isang iyon may babae ka. Loko-loko ka kasi. Kayabangan mo sa s*x life mong ilang taon ka namang tigang."
"What? Paano naman? Tayo lang magkausap noong kaya nagbibiro lang ako. Ang sama kaya ng tiyan ko noon. Nabaguhan yata ako doon sa kinain ko."
"Nakaloudspeaker ako habang kausap ka, habang may tsismosa palang nakikinig sa pag-uusap nating dalawa. Wala eh, inlove na inlove si Marinela kay Mario. Pasalamat ka pa at si Ria ko pala si Mario. Paano na kung mahulog talaga si Marinela sa iba? Kaya ngayon pa lang, simulan mo na ang dapat mong simulan. Kung wala pa rin, mag-isip-isip ka na ng paraan para aminin sa kanya ang lahat at ang katotohanan."
"Pero paano kung mas mahirapan siya? Iyon ang ayaw na ayaw ko."
"Narito naman kami. Pababayaan ka ba namin. Baliw ka lang, pero mahal ka namin."
"Okay, thank you Fabz. Gagawin ko ang lahat. Salamat ulit sa lahat. Wala man ako sa tabi niya sa mga panahong iyon."
"Mas mahalaga ang ngayon at ligtas siya. Ang kailangan mo lang, ayusin mo ang buhay na dapat noon pa maayos."
"Thank you ulit, Fabz."
"Bukas na ulit magraround ang doktor. Pero sinabi naman ng doktor mo kanina na baka sa isang araw, pwede ka ng lumabas. Hindi na lang makakadaan ngayon kasi gabi na. Kaya habang tulog ka, kinausap na ako. Aalis na kami ni Ria," paalam pa ni Fabio kay August. Bago ito tumingin kay Marinela. "And for you babaeng medyo may pagkamaldita, alagaan mo ang kaibigan ko. May atraso ka pa dyan."
"Maldita kaagad? Hoy mas matanda ako sa iyo. Kung pagsalitaan mo ako."
"Kung nagpakabait ka, di sana ay----." Nahinto sa pagsasalita si Fabio ng takpan ni Ria ang bibig niya.
"Fabio, konting filter naman ang bibig."
"I'm sorry, Love," ani Fabio kay Ria.
"Dapat ba talaga ako ang mag-alaga sa kanya? Ang laki-laki na niya eh," reklamo pa ni Marinela.
"Sino ba dapat? Ako? Hindi naman pwede ang asawa ko. Ikaw ang may atraso kay August kaya ikaw naman talaga ang dapat mag-alaga sa kanya. Isa pa ano bang alaga ang iniisip mo? Aalalayan mo lang naman iyong tao. Isa pa lilinisin mo lang ang sugat niya. Ano bang mahirap doon? Huwag kang mag-alala, mayaman na ang isang iyan. Maraming pagkain doon," ani Fabio.
"Anong akala mo sa akin? Patay gutom!"
"Hindi naman. Ang gusto ko lang namang iparating, ikaw lang ang available na pwedeng mag-alaga kay August. Wala rito ang pamilya niya na pwedeng mag-alaga sa kanya."
"Oo na. Ako na ang bahala sa kanya." Inis man ay sinang-ayunan niya ang sinabi ni Fabio.
Pagkalabas nina Fabio at Ria ay si August naman ang binalingan ni Marinela.
"What!?" singhal naman ni August.
"Baby ka ba? Bakit naman kailangan pa kitang alagaan? Hindi mo ba kaya ang sarili mo? Although alam kong hirap kang kumilos kasi malaki ang sugat sa paa mo may crack pa ang buto mo. Kaya mahihirapan ka talagang makalakad kaagad. Pero dapat ba talaga alagaan kita. Okay guilty ako sa mga nasabi ko sa iyo. Kaya sorry. Pero sapat ba iyon para maging babysitter mo?" Pabagsak pang naupo si Marinela sa sofa na naroroon.
Nailing na lang si August sa mga sinabi ni Marinela. "Sincere ka naman ba dyan?"
"Anong akala mo sa akin joke? Mukha ba akong nagjojoke dito. Kaya nga ako naiwan dito,para alagaan ka eh. Hello," may pagkasarkastikong saad pa ni Marinela. Kasabay ng pag-ikot ng itim na bilog ng kanyang mga mata.
"Okay naniniwala na. Actually kaya ko naman ang sarili ko. Oo mahirap, at nakakapanibago. Temporarily lang naman akong hindi makakalakad, di ba. Hindi rin naman kita sinisisi sa nangyari sa akin. Kasalanan ko rin naman kaya ako naaksidente. But I need your help naman talaga. At malalaman mo kung bakit, pag nakalabas na ako ng ospital."
"Ang daming arte ha. Bakit pag nakalabas pa? Kung pwede mo namang sabihin sa akin ngayon."
"Bakit ba ang init-init ng ulo mo? Hindi ka ba nilalamig? Ang lamig ng buga ng air-conditioning oh."
"Hindi talaga ako nilalamig, kasi wala naman akong nararamdamang masakit sa katawan."
"Okay. Pero magpahinga ka na lang muna. Paglabas ko ng ospital malalaman mo rin kung bakit kailangan ko ng tulong mo. Kasi hindi ko talaga iyon kakayanin ng mag-isa."
"Oo na. Sige na. Kung hindi lang talaga dahil sa pakiusap nina mommy at daddy. Naku ka," gigil pang saad ng dalaga.
Natawa lang naman si August. "Thank you pa rin Mari," ani August na halos pabulong ang huling sinambit niya.
Natigilan naman si Marinela nang marinig ang pangalan niyang sinambit ni August. Biglang bumilis ang t*bok ng puso niya. Naalala niya ang huling beses na narinig niyang tinawag siya ni August sa pangalang iyon. Ito lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Mari kaya naalala niya.
Napailing na lang siya. Sabi nga nakalipas na iyon at huwag ng alalahanin pa. Masaya na siyang single. Kung walang dumating ay di wala. Mahalaga sa kanya kasama niya ang pamilya. Ang nararamdaman niya kay August noon ay parte na lang ngayon ng isang mapait na alaala.