Chapter 9

1857 Words
NAKAUPO lang si Marinela sa sofa sa may, living room. Kasama niya roon si Augusta na nakasalampak sa carpeted floor habang naglalaro ng kung anu-ano. Minsan ay nagkukulay ang bata kahit hindi pa gaanong marunong. Pero masasabi niyang nakakautay-utay na ito. "Mommy ko, hindi ka na pu ba aalis? Sabi pu kasi ni Dada ko, pag mag-uwi ka na pu dito you'll never leave ush again pu. Sow, hindi na pu ikaw mag-alis, again?" tanong sa kanya ni Augusta. Nakaramdam siya ng habag sa bata. Napakabata pa nito para lumaking ang ama lang ang kasama at ang mga lolo at lola nito. Tapos ngayon ay ang dalawang katulong lang na matanda ang kasama ng mag-ama. Nasa ibang bansa pa rin ang mga magulang ni August. Sa katunayan ay hindi niya alam ang ginagawa ng mga magulang ni August sa ibang bansa. Ang alam lang niya ay may malaking utang ang pamilya ni August. Bagay na hindi nito nabanggit sa kanya. Hindi rin niya alam kung alam ba ni Fabio at ng mga magulang niya ang tungkol doon. Nalaman lang naman niya ang tungkol sa utang ng biglang mabanggit ni Manang Tessa ang tungkol sa mga magulang ni August at kung bakit wala ang mga ito sa Pilipinas. "Ano pong utang? Matatag po ang security agency ni August di po ba? Isa pa ay may bukod pa siyang income sa pagiging detective niya. Bakit naman po nagkaroon ng malaking utang si August? At sa ibang bansa pa po talaga?" naguguluhang tanong ni Marinela kay Manang Tessa. Nasa may kusina silang dalawa. Katulong siya ni Manang Tessa sa pagluluto. Kahit ang totoo lang naman niyang ginagawa ay taga abot ng ipapaabot nito at taga tikim kung okay na sa kanya ang timpla ng niluto nito. "Mahabang kwento hija. Pero kaya umuwi na ang mag-ama dahil, magaling na si Augusta. Halos nasa dalawang taon rin sa ospital ang batang iyan. Doon na nga iyan lumaki. Kaya matapos ang mga follow up check up niya at masiguradong maayos na ang kalagayan ni Augusta ay umuwi na silang mag-ama. Ang mga magulang ni August ang katulong niya sa pagbabayad sa ospital. Hindi naman daw mahirap. Kaya lang ay di malungkot at hindi nila kasama ang apo pero uuwi rin sila, pag maayos na ang lahat." "Ganoon po ba? Akala ko po ay nasa bakasyon lang mga magulang ni August. Hindi po pala," malungkot niyang saad. Sa totoo lang nalulungkot siya. Lalo na at hindi naman niya akalain ang ganoon. "Naku huwag kang mag-alala hija. Madali lang naman ang trabaho doon ng mag-asawa. Malungkot lang at hindi nila kasama ang apo. Pero mas masaya silang narito na si Augusta at kasama ka." "Kasama po ako? Hindi po ba sila galit na narito ako at ako ang dahilan ng aksidente ni August?" "Hindi Marinela. Mas masaya pa silang narito lang sa bahay si August at nasasamahan ang apo nila. Kaysa puro trabaho ang unahin nito. Isa pa ay mas mabuting narito ka. Mas gusto nilang nasasamahan mo si Augusta. Lalo na at lumaki itong walang kasamang ina." Nakaramdam siyang lalo ng habag para sa anak ni August. Lumaki pala ito sa ospital at walang kinalakihang ina talaga. Ang ama at ang lolo at lola lang nito na mga magulang ni August ang kasama nito. "Nasaan po ang mommy ni Augusta?" Tipid namang ngumiti si Manang Tessa. "Siguro naman ay nasabi sa iyo ni August na naaksidente ang asawa niya at hindi sila maalalang mag-ama. Umaasa pa rin si August na babalik sa kanilang mag-ama ang asawa niya. Higit sa lahat, nang maaksidente ang asawa niya, dahilan para biglaang maipanganak si Augusta. Kaya sa ibang bansa sila nanirahan ng ilang taon. Nakaroon ng komplikasyon si Augusta. Dahilan para malagay sa hindi maganda ang buhay niya." Napahawak sa tapat ng puso niya si Marinela. Labis siyang nasasaktan sa kanyang nalaman. Hindi niya malaman kung bakit wala siyang naging balita tungkol kay August nang mga panahong iyon. Alam niya sa sarili niyang wala siyang pinuntahan. Maliban sa pumunta rin siya ng ibang bansa noong magaling na siya, after ng aksidente niya. Ngunit wala siyang nakalimutan. Pero bakit ngayon lang niya nalalaman ang mga pangyayaring iyon, ilang taon na ang nakararaan. "Ibig sabihin po ba, kasal na si August ay nanliligaw pa sa akin ang tukmol na iyon? Paano kung sinagot ko siya? Ano na lang ang sasabihin sa akin ng asawa niya? Nakakagigil ang pilay na iyon, Manang. Gago po talaga!" inis niyang saad na ikinatawa lang ng matanda. "Relax, hija. Hindi ganoon. Ano ka ba? Mabait si August. Maloko lang minsan. Higit sa lahat hindi naman iyan nagpaasa ng babae. Oo nga at babaero, pero natuto iyan ng mahulog sa iyo." "Tapos po ay nag-asawa. Wala man lang akong kabali-balita. Parang pinagkaitan po ako ng kaalaman ah." "Huwag mo ng isipin iyon Marinela. Sa ngayon ay ikaw na muna ang bahala kay Augusta. Gustong-gusto ka niya. Sana ay huwag mong biguin ang bata. Hindi ka mapapahamak sa ginagawa mo. Maniwala ka sa akin hija. Magtiwala ka lang kay August." Kahit naiinis pa rin siya kay August na two timer ay wala naman siyang nagawa. "Huwag po kayong mag-alala. Sa ilang linggo ko po dito, ay mas lalo lang po akong napapalapit kay Augusta. Baka nga po pagdumating na ang totoong mommy niya. Hindi ko na alam kung paano ko iiwan si Augusta. Kung maaari nga lang na sa akin na lang siya." "Ikaw talaga. Huwag mo na munang isipin ang mga bagay na iyon hija. Ang mahalaga ang ngayon. Sumabay ka lang sa daloy. Magiging maayos rin ang lahat." Sumang-ayon na lang siya sa sinasabi ni Manang Tessa. Wala namang mawawala sa kanya kung sa ngayon ay magpapakaina siya kay Augusta. Lalo na at habang tumatagal minamahal niya ang bata. Ang masakit lang, nahuhulog na namang muli ang puso niya, sa tatay ng bata. "Mommy, no pu niiisip mo pu? Aalis ka pu ba olet? Iwan mo pu olet ako at si Dada ko pu?" Sa naglalakbay niyang isipan ay napatingin siya kay Augusta. Mula nang makatungtong siya sa bahay na iyon ni August ay ang dami na lalong tumatakbo sa isipan niya. "I'm sorry baby. Hindi ako aalis hanggat hindi ako pinapaalis ng daddy mo. Dito lang ako sa tabi mo hanggat kailangan mo ako." "I love you pu, mommy ko," ani Augusta at tumayo pa ito para lang lapitan siya at yakapin. "I love you too, baby," sagot niya at hinalikan pa ang bata sa pisngi. Bago ito bumalik sa pagkakasalampak sa sahig, para muling maglaro. Napatingin na lang siya ng bumukas ang pintuan ng library. Naroon si August at ang isa sa mga tauhan nito. Nasa halos dalawang oras ding magkausap ang dalawa. Kaya halos nasa dalawang oras na rin sila ni Augusta sa pwesto nila. Ewan ba niya sa sarili niya kung bakit ngayon, gustong-gusto niyang nasa malapit lang si August. Eh naiinis naman siya dito. Nasundan na lang niya ng tingin ang tauhan ni August. Tulak kasi nito ang wheelchair ng boss nito hanggang sa harap ng pinto. "Please inform me, pag may nakalap na kayong balita. Sobrang tagal na rin, until now wala pa ring usad. Nasabihan pa akong may sariling security agency. Detective pa ako ng lagay na ito. Ngunit wala pa rin akong magawa." "Sir, hindi mo naman pinapabayaan ang kaso mong iyon. Isa pa, wala ka dito kasi may mas importante kang pinagkakaabalahan. Ang mahalaga okay si ma'am." Hindi gaanong narinig ni Marinela ang huling sinabi ng lalaking kausap ni August. Pero napansin niya ang pasimpleng pagsilip nito sa kanya. Bago muling tumingin kay August. Ipinagkibit balikat na lang niya iyon. Sa tingin naman siya ay sinulyapan lang siya ng lalaki kasi baka bagong mukha siya sa paningin nito. "Pero humanda talaga sila, lalo na ngayong nakabalik na ako. Makikilala ko rin sila," ani August. Madiin ang pagkakasabi nito na parang nagagalit. Ngunit alam niyang hindi sa kausap ito galit. May ibang pinanggagalingan ang galit nito. "Pasensya na sir." "Nope. Wala kayong kasalanan. At wala kahit na sino sa inyo ang may kasalanan. Magaling lang talaga silang magtago. Mahahanap ko rin sila. Lalo na pag okay na ako. Sa ngayon kayo na muna ang bahala." "Noted sir. Kami na po ang bahala. Magpagaling po kayo," anito at nagpaalam na kay August. Bumaling naman sa kanila si August. Ang seryoso nitong mukha kanina ay nakangiti na ngayon. Siya man ay hindi mapigilan ang lihim na mapangiti. Naiinlove na naman siya sa herodes na kaharap. "Ano 'yon?" tanong ni Marinela. Wala naman siyang alam sa trabaho ni August. Gusto lang niyang magtanong para mapagtakpan ang nararamdaman niya. Bwisit kasi ang puso niya. Titibok lang ay doon pa sa may asawa. "Ah, trabaho." "Alam ko. Ang itinatanong ko ay iyong sobrang tagal na rin na sinabi mo. First time iyon ha. May kaso ka na hindi maresolba?" "Yeah. Poor me, sa dami ng kaso, iyon pa talaga ang hindi ko mahanapan ng sagot," bagsak ang balikat ni August na lumapit sa kanila. Nilapitan nito ang anak. Tumayo naman si Augusta at niyakap ang daddy nito. Umikot naman si August at itinigil ang wheelchair nito sa tabi ng kinapupwestuhan niyang sofa. "Can you give me a hug Mari," ani August na ikinagulat niya. Hindi niya malaman kung nagbibiro lang ba si August o seryoso ito. Pero sa nakikita niyang kalungkutan sa mata nito ay hindi na siya nagdalawang isip. Tumayo siya at niyakap niya si August ng buong higpit. "Hindi ko alam kung anong problema mong lalaki ka. Pero narito lang ako, bilang julalay mo. Super alalay, julalay. Okay. Pero nakakatuwa lang," tumawa pa si Marinela at medyo lumayo kay August. "Anong nakakatuwa?" nakasimangot na tanong ng lalaki. "Akala ko kasi undefeated ka eh. Hindi pala. Pero kahit gago ka, hanggat kailangan mo ako, dito lang ako sa tabi mo. Aalis lang naman ako, kung paaalisin mo na ako." "Thank you Mari. Pero wala naman akong balak na paalisin ka." "Hoy gago ka ngang talaga. Ano naman ang gagawin ko pag bumalik na ang asawa mo?" "Di mag-hi ka. Sabihin mo, hey what's up yow! Ako nga pala si Marinela. Ang babaeng bumihag sa puso ni August." "Gago!" may diing saad ni Marinela at mabilis na sinipa ang paa ni August. "Marinela!" Sigaw ni August. Pati sina Manong Julio at Manang Tessa ay nagtakbuhan palapit sa kanila. "Bakit ka pu nangsisigaw Dada?" tanong ng maliit na tinig. "Anong nangyari sa 'yo hijo?" nag-aalalang tanong ng mag-asawa. Hindi mapigilan ni August ang maluha. Hindi na siya nahiya. Noon sinanggi lang ni Marinela ang paa niya. Ngayon sinipa na talaga. Ang sakit sobra. "Inaapi ho ako ni Marinela," sumbong ni August sa mag-asawa. Samantalang si Marinela ay laglag pangang nakatingin lang kay August. Hindi siya makapaniwala sa pagsusumbong nito. Para itong anim na taong bata na inaway ng kalaro. Nailing na siya. "Ang cute mo," komento ni Marinela. "Anong cute? Masakit Mari. Masakit na masakit!" singhal ni August habang naluluha talaga. Nailing na lang ang mag-asawa. Kinuha ng mga ito si Augusta at isinama sa kusina. Pero siya, hindi niya mapigilang matawa. Hindi niya akalaing minsan, parang baby din pala si August. Pabebe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD