Chapter 11

2054 Words
ABALA SA PAGTITIG sa tv si Marinela habang nasa tabi niya si Augusta. Nanonood kasi ng mga nursery rhymes ang anak ni August. Sino naman siya para abalahin ang bata na sumasabay pa sa mga kantang pinapanood nito? Kahit siya minsan ay napapasabay sa himig ng pambatang musika. Napatingin naman siya kay Augusta ng kalabitin siya nito. Iniabot nito ang isang balot na biskwit na mukhang pinabubuksan nito sa kanya. Matapos niyang buksan ay muling tumitig na sa tv ang bata. Hindi na ito kumakanta, pero ngumunguya. Tipid siyang napangiti. Napakaganda ng anak ni August. Naroon na naman ang muting inggit na nararamdaman niya. Hindi tuloy niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Habang hindi maalis ang tingin sa bata. "For you." Napalingon bigla si Marinela ng marinig niya ang boses na iyon. Tinig na kanina pa niya hinihintay. Kahit late ito ng halos kalahating oras sa usapan nila ay hindi naman niya magawang mainis ng tumambad sa kanya ang isang tangkay ng napakapulang rosas. "Ginastos mo na naman ang allowance mo? Hoy lalaki! Hindi ka pa mayaman para araw-araw mo akong bigyan ng bulaklak. Okay maganda ang security agency mo. Daming nag-aapply. Bukod pa doon ay ilang kompanya na rin ang kumukuha sa serbisyo ng agency mo. Kaya lang mahal din ito. Araw-araw pa," sita ni Marinela. Masaya naman si Marinela na makatanggap ng bulaklak. Kaya lang malaki pa rin ang gastos ni August. Sa pag-aaral naman nito para maging detective. Isa pa ay ang security agency lang nito ang pinagkukuhanan ng pamilya nito ng income. Lalo na at pinagretiro na nito sa pagtatrabaho ang mga magulang. Gusto na lang nitong sa bahay ang mga ito. Isa sa mga dahilan kung bakit humahanga talaga siya sa binata. "Maniniwala ka bang tanim yan ng mommy ko. Hiningi ko sa kanya. Namumulaklak na kasi lahat ang tanim niyang rose. Tapos sabi ko ibibigay ko sa iyo. Kaya naman, tuwing pupuntahan kita, humihingi na lang ako kay mommy. Lalo na at sa iyo ko naman daw pala ibibigay. Kaya itong mga bulaklak na binibigay ko sa iyo, mula pa noong isang linggo ay galing lang sa hardin niya." Mas lalong bumilis ang pagpintig ng puso ni Marinela, sa sinabing iyon ni August. Sa tingin niya ay tanggap siya ng mga magulang ni August para sa anak. "Totoo ba iyang sinasabi mo? Baka mamaya, nangungutang ka na pala para lang magpaempress. Naku, hindi mo ako madadala sa ganoon." "Sino bang may sabi na nagpapalakas ako sa iyo? Sinasabi ko lang ang totoo." "Weeh. Pero baka naman kinukuha mo ito ng walang paalam sa hardin ng mommy mo. Baka mamaya pag sinagot na kita, hindi pala ako gusto ng mommy at daddy mo para sa iyo." "Walang ganoon. Gusto ka talaga nila. Ikaw lang naman ang ayaw pa akong sagutin." "Sira. Tayo na nga," ani Marinela. Napasuntok pa sa hangin si August. Halata ang saya sa mukha nito, na labis namang ipinagtaka ni Marinela. "Anong nangyari sa iyo? Bakit bigla na lang ang saya-saya mo?" "Di ba sinasagot mo na ako? Sinabi mo pang tayo na di ba?" "Baliw! Ibig kong sabihin ay umalis na tayo. Saan ba tayo pupunta?" Laglag balikat naman si August na tumingin kay Marinela. "Linawin mo kasi. Akala ko tuloy sinasagot mo na ako," malungkot pa nitong saad. "Sus, kung hindi ikaw si August, baka nga isipin kong hindi mo alam kung ano ang tinutukoy ko. Kaso si August ka, kaya huwag ako," ani Marinela. Napailing na lang si August kasi huli na siya. Kilala na talaga siya ni Marinela. "Akala ko kasi makakalusot." "Neknek mo! Kalokohan mo. Tara na nga. Saan ba tayo?" "Saan mo ba gusto?" "Fast food na lang tayo. Hindi ako samahan ni Fabio. Kagabi pa akong nagki-crave sa chicken. Kaya lang ang lalaking iyon. Abala sa trabaho, abala rin sa nililigawan niya." "Hayaan mo na si Fabio. Alam mo namang minsan lang iyon magkagusto." "So ipinagtatanggol mo kasi babaero ka nga? Magkaibigan talaga kayo." "Bakit nasali na naman iyon? Loyal kaya ako sa iyo." "Oo na nga lang," naisagot na lang ni Marinela at hinila na niya si August paalis. NAGULAT naman si Marinela ng maramdaman niyang may humaplos sa kanyang pisngi. Doon lang niya napansing hindi na sa tv nakafocus si Augusta kundi sa kanya. "A-ayaw mo na bang manood?" tanong niya sa bata. Pero titig na titig pa rin ito sa kanya. "But you're crying mommy. Isssh there something wrong pu mommy ko?" Napahawak naman siya sa kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung bakit palagi na lang siyang umiiyak. Wala naman siyang naaalala na nakakaiyak. Pero siguro dahil sa masayang panahon na magkasama sila noon ni August. Pero ngayon ibang-iba na. Iba sa pinangarap niya. Iba sa naging plano nila. "I'm not crying baby. Kaya lang siguro ay masakit na ang mata ko kapapanood. Kanina pa tayo nanonood. Gusto mo pa ba? Or magstop na muna tayo." Napaisip naman ang bata. Ang cute talaga ng anak ni August. Kagigil. Kung siya lang sana ang ina ng batang kaharap ay talagang labis-labis siguro ang kasiyahan niya. Kaya lang ay hindi at alam naman niyang hindi. "Magstop na pu mommy. Magku-color na lang pu ako," anito. Kaya naman pinatay na niya ang tv. Kinuha niya ang coloring materials ni Augusta. Ang bata naman ang nagrequest na doon na lang ulit ito pupwesto sa carpet na nasa tabi ng kinauupuan niya. Mas gusto rin kasi ni Augusta ang nakadapa sa sahig. Napabuntong-hininga na lang si Marinela. Napatingin pa siya sa orasan na nasa dingding. Ganoon din sa labas ng bintana. Madilim na sa labas at gumagabi na. Pero si August ay hindi pa rin lumalabas sa silid na inuukupa nito buhat kanina. Hindi tuloy niya malaman kung talaga bang gusto na niyang lumabas si August sa silid na iyon o huwag na lang muna. Pakiramdam kasi niya ay paaalisin na siyang talaga ni August sa bahay nito pag lumabas ito sa silid na iyon. Kaya lang, kanina noong hindi pa nagtatampo si August ay gusto na niya talagang umalis. Naiinis kasi siya sa tumatakbo sa isipan niyang para siyang keep woman kahit hindi naman. Pero dapat nga maging masaya na siya kung pinapaalis na siya ni August. Para makakalaya na siya. Pero nararamdaman naman niyang sumasakit ang puso niya pagnaiisip niyang iiwan na niya si August lalo na ang anak nito. Parang hindi niya kaya. Napapitlag na lang si Marinela ng may humawak sa kamay niya. Hindi man lang niya naramdaman na nasa tabi na niya si August. Napatayo naman siya kaagad at umikot sa likuran para malapitan ang lalaki. "M-may kailangan ka? Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang magpahayin na," excited niyang tanong. Gusto talaga niyang pagsilbihan si August sa mga oras na iyon. Nais din niyang magsorry sa mga nasabi niya. Tama si Manang Tessa, hindi naman siguro siya ipapahamak ni August. Isa pa, kung mali ang ginagawa ni August, hindi naman siguro ito, para kunsintihin sila ng mag-asawa. Alam din naman ng mag-asawa na sa silid ni August siya natutulog. Pero parang wala lang sa mga ito. Alam din naman niya sa sarili niyang wala silang ginagawang masama ni August. Kahit nasa iisang silid lang sila ni August ay kasama pa nila ang anak nito. Higit pa roon ay tamang tulugan lang nila ang kama at kwarto nito. Doon niya nililinisan ang sugat ni August. At inaalalalayan din naman talaga niya ito pag kailangan nitong magbanyo sa gabi. Kaya naman, dapat lang talaga ay sa silid nito siya matulog. Kasi kailangan nito ng tulong niya. Ngunit ang pagkakangiti niya ay agad ding napalis ng mapansin niya ang seryoso at malungkot na itsura ni August. "Natawagan ko na si Fabio. Mamaya lang narito na siya. Hindi ko naman kayang hayaan ka na lang umalis na mag-isa. Kaya naman ipapasundo na kita kay Fabs. Ipapaayos ko na rin kay Manang Tessa ang mga gamit mo," ani August, ng biglang manlamig ang buong kalamnan ni Marinela. Mali siya sa mga nasabi niya kanina. Aminado naman siya kaya nga magsosorry na siya kay August. Hinihintay lang talaga niya itong lumabas. Kaya lang hindi naman niya inakalang, sa haba ng oras na itinagal nito sa silid na iyon, paglabas nito ay hahayaan na talaga siya nitong umalis. "P-paaalisin mo na talaga a-ako?" naiiyak ng saad ni Marinela. "Aalis pu ang mommy ko? Dada? Mommy?" sabat ni Augusta ng makalapit ito sa kanilang dalawa. Nakangiti si August ng hawakan nito ang kamay ng anak at hinila ito papalapit sa kanya. "Mommy have her own life. Hindi natin pwedeng pigilan na dito lang siya sa atin." "Mommy, sabi mo pu hindi ka na aalis. Why you're leaving again? Hindi mo na pu mahal pu ako?" naiiyak na tanong ni Augusta sa kanya. Siya man ay hindi na rin mapigilan ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mata. "A-August, can we talk." Napabuntong-hininga naman si August. "May dapat pa ba tayong pag-usapan? Sa totoo lang alam kong mali talaga na hinayaan kong ikaw ang mag-alaga sa akin. Sa pag-alalay sa akin at sa paglilinis ng sugat ko. Dapat talaga kumuha na lang ako ng nurse. Pwedeng utusan, kailangan lang bayaran. Ayaw ko rin naman na nahihirapan ka. Pero pinahirapan pa kita. Mali ako, maling-mali. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Thank you ulit sa panahong inilaan mo sa aming mag-ama. Sa pagtulong dito sa bahay. Ngayon makakaalis ka na. Hintayin lang natin si Fabio, para alam kong ligtas kang makauwi." Napasalampak na lang si Marinela sa sahig ng talikuran siya ni August. Ngunit hindi man lang siya muling nilingon ng lalaki. Lalo lang siyang napaluha ng pumasok si August sa silid nito. Nilapitan naman siya ni Augusta at niyakap. Hindi na rin niya napansin na nasa tabi na rin pala niya si Manang Tessa. Inalalayan siya nitong makaupo sa sofa na naroroon. "Manang," tawag niya at hindi na napigilan ang mapahagulgol. "Para saan ba ang dahilan ng pagluha mo hija? Sabihin mo sa akin ng maunawaan ko." "Manang pinapaalis na ako ni August." "Tapos?" "Pero ayaw ko na pong umalis. Alam ko pong nagkamali po ako dahil sa mga nasabi ko sa kanya. Pero gusto ko na pong magsorry. Hindi ko po kayang iwan sila na mag-ama. Lalo na ngayong napamahal na sa akin si Augusta. Tapos po hindi kaya ng konsensya ko na iwan si August sa ganoong kalagayan. Hanggang ngayon need pa rin niya ng tulong para makalipat sa wheelchair galing sa kama. Ganoon din pagnakaupo siya sa wheelchair at mahihiga sa kama." "Bakit kailangan mong umiyak hija? Kausapin mo siya. Kayong dalawa lang ang makakaintindi sa isa't isa. Pero kung hahayaan mong magtampo siya, habang narito ka at umiiyak, hindi kayo magkakaintindihan. Hindi rin kayo magkakaayos. Sige na, kausapin mo na siya. Ako na ang bahala kay Augusta." "Manang, paano po ang asawa niya?" nag-aalala niyang tanong. "Huwag mong isipin ang wala rito Marinela. Hindi ko kukunsintehin ang nararamdaman mo kay August kung alam kong mali. Pero maniwala ka man o sa hindi hija. Walang mali kahit aminin mong mahal mo si August." "Po?" "Nakikita ko sa kilos mo. Alam kong mahal mo ang mag-ama. Kaya huwag mong pigilan ang sarili mong sundin ang nararamdaman mo." "Pero may asawa pong tao si August. Paano po pagbumalik ang asawa niya? Saan po ako pupulutin? Alam kung ako lang din po ang masasaktan." "Kung hindi ka susugal hindi mo malalaman Marinela. Isa pa hindi dahil wala rito ang asawa ni August ay babalik s'ya ng galit sa iyo. Wala siya, dahil maaaring hindi na talaga siya babalik. Pero kung bumalik man siya ay hindi iyon makakaapekto sa nararamdaman mo kay August." "Manang Tessa naguguluhan po ako. Ano po ang ibig ninyong sabihin?" "Sundin mo lang ang puso mo Marinela. Walang mawawala, walang masama, walang sino man ang pwedeng manghusga sa iyo. Hindi masama kung hindi mo pipigilan ang nararamdaman mo. Isa pa kung hindi ka mahalaga kay August, hindi ikaw ang narito sa tabi niya ngayong kailangan niya ng aalalay sa kanya." "Eh ang asawa po niya?" "Sino ba ang narito sa tabi niya?" sagot ni Manang Tessa. Napabuntong-hininga siya. Nasundan na lang niya ng tingin ang nakasaradong pintuan ng masters bedroom. Wala na sa tabi niya sina Manang Tessa at Augusta. Nasa kusina na ang dalawa. "Bahala na nga," aniya, habang naglalakad palapit sa silid kung saan naroroon si August.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD