Tinawagan ni Hiyasmen, sila Clarkson upang ibigay ang impormasyon na kanyang nalaman buhat kay Carlota. Bukod kay Clarkson, ay nagsagawa rin si Hiyasmen ng pag I imbistiga kay Hanna Montano, upang matapos tapos na ang gulong nangyayari sa kanila. *************** "Hi... My dearest Adrian, how are you? Nakapag disisyon ka na ba?" Hinaplos haplos pa ni Hanna ang pisngi ni Adrian. "Baliw ka ngang talaga! Hindi na ikaw ang Hanna na nakilala ko, hindi na ikaw!" singhal ni Adrian dito. "Baliw? Baliw na baliw sa iyo. Haha.." Tumawa ng tumawa ng malakas si Hanna habang nakaharap kay Adrian. "Simple lang naman ang gusto ko, ang iwan mo ang pamilya mo at sumama ka na sa akin. Napakadali diba? Pakakawalan ko ang anak mo, maging ang anak-anakan mo kung papayag ka sa gusto ko, ano? Game." Ngumi

