Napaiyak na lang si Hiyasmen habang patuloy na nagsasalita si Carlota dahil hindi na niya alam ang kanyang gagawin. "Ngayon, tatanungin kita Mrs. Monte, bakit ako pa rin ang patuloy na tinuturo ninyo na may pakana sa lahat ng nangyayari sa inyo?" tanong ni Carlota. Bago pa naman nakasagot si Hiyasmen ay agad niyang pinunasan ang kanyang luha," Dahil tanging ikaw lang ang natatandaan ni Adrian na nagawan niya ng mali at may kakayanan na maghiganti. Dahil kung tutuusin, kung ako wala akong kahit isang taong nagawan ng pagkakamali." "Are you sure? Are you sure na ako lang? Napakababaw naman na dahilan iyan. May naalala akong isang pangalan at nagpakilala sa akin na isa raw siyang matalik na kaibigan ni Adrian, hindi ko lang matandaan kung anong exact name, na minsan pa ay bintaan niya a

