"Kung may balak po kayong saktan ako tatanggapin ko po," saad ni Adrian sa ama ni Hiyasmen ng kausapin niya ito. "Hindi ko alam Adrian, hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa iyo at sabihin man lang. Bakit parang ang dami ko nang hindi alam sa iyo Adrian?" saad ng ama ni Hiyasmen. "Pasensya na po, pasensya na dahil sa nagawa ko pati buhay anak ninyo at apo Nonoy ay nalalagay sa alanganin ngayon. Pangako po, aayusin ko ang gusot na nagawa ko," saad ni Adrian. "Ano ba talagang nangyari? Bakit humantong sa ganitong sitwasyon ha Adrian,?" tanong muli ng ama ni Hiyasmen. "Hindi ko po alam. Wala po akong idea, wala po akong alam bakit sa tagal ng panahon ngayon lang galit na galit sa akin si Carlota," tugon ni Adrian. "Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa mong pumatol sa isang

