Isang oras na ang nakalipas buhat ng isiniilalim si Hiyasmen sa operasyon pero, wala pa rin balita kung anong lagay ng mag ina ni Adrian. "Adrian.. Hindi ko alam kung sino ang pinili mo, at sino ang sinakrispisyo mo. At wala naman akong karapatan na e-questions ang disisyon mo kahit magulang ako. Simula ng pinakasalan mo si Hiyasmen, wala na kaming karapatan na panghimasukan ang buhay niya, dahil pag aari mo na siya. Masakit para sa amin ang makita na nasa ganyan sitwasyon siya, at nararamdaman kita bilang lalaki kung gaano ka gulo ang isip mo. Pero, umaasa ako na si Hiyasmen ang pinili mong maligtas," saad ng ama ni Hiyasmen. Napayuko na lang si Adrian at hindi tumugon sa naging saad ng ama ni Hiyasmen. "Mahal na mahal ko si Hiyasmen, dahil siya lang ang nag iisang anak ko. Siya lan

