Nakita ni Adrian na nagkakagulo sa emergency room kung saan inuoperahan si Hiyasmen, kaya napasuntok na lang si Adrian sa wall ng hospital. At agad tumungo ito sa isang sambahan sa loob ng hospital. "Anong balak ninyo ba sa buhay ko? Bakit ginaganito ninyo ako? Wala naman akong kasalanan na ginawa na dapat ninyong parusahan ng ganito!?" singhal ni Adrian sa isang imahe ni Jesus Christ. Matapos ilabas ang madamdaming emosyon ni Adrian ay napaluhod na lang ito at umiyak ng umiyak. "Huwag naman po sana ninyong kunin ang mag ina ko, parang awa ninyo na. Pagod na pagod na akong malungkot, masaktan, at umasa. Buong buhay ko, naging malungkot ako dahil hindi ko nakukuha at pangarap ko. Buong buhay ko, nasasaktan ako dahil hindi ko man lang maiparamdam sa mga taong mahal ko ang pagpapahalag

