"Hi, may dala nga pala akong prutas para sa iyo," saan ni Hanna kay Adrian at inabot nito ang isang supot ng plastic bag. "Hindi naman ako nagpapabili nito eh. Pero salamat," tugon ni Adrian at ngumiti ito kay Hanna. Pinagmasdan lang ni Hanna si Adrian habang nagbabalat ng prutas. "Sana mapatawad kana ni Hiyasmen, at sana napapayag ko siya sa gusto kong mangyari. Alam kong magagalit ka sa akin dahil sa sinabi ko kay Hiyasmen ang totoong kalagyan mo. Mahal na mahal kita Adrian, dahil sa iyo nagkaroon ako ng totoong kaibigan. Hindi lang totoong kaibigan ang pinaparamdam mo sa akin kundi parang isang tunay na kapatid. Kaya, nalulungkot akong makita kang malungkot at magiging masaya rin ako kapag makikita kitang masaya," bulong ni Hanna sa kanyang isip habang nakaharap kay Adrian. ******

