Pagbaba ni Hiyasmen receiving room ay naratnan niya pa rin ang kanyang bisita pero nag iisa na lang ito si Hanna na lang ang naroroon. "Diba sinabi ko naman sa iyo na umalis na kayo, bakit naririto kapa?" tanong ni Hiyasmen dito. "Bumalik ako rito para makausap ka, Hiyasmen pwede ba this time pakinggan mo naman ako. Oo, bilang babae maiintindihan kita bakit ka nagkakaganyan kay Adrian, bakit galit na galit ka." Hindi pa natatapos si Hanna sa pagsasalita ng magsalita rin si Hiyasmen. "Oh, naiintindihan mo pala ako, bakit parang ako pa ang masama sa paningin mo?" saad ni Hiyasmen. Doon na tumayo si Hanna at tumalim ang tingin ni Hanna kay Hiyasmen. "Pwede ba patapusin mo muna ako!! Pwede!? Iyan ang hirap sa iyo Hiyasmen eh, ang gusto mo lang ang dapat nasusunod. Tama si Adrian, ma

