"Hi ma'am Hiyasmen, welcome back po," bati ng katulong nila sa kanila. Doon muna sila mananatili sa mansyon ng magulang niya hangga't hindi pa babalik ng America. "Pakidala sa dating kwarto ko si Adriana Angel, manang prepared ka ng snacks pagkagising ni Adriana." utos ni Hiyasmen sa kanyang katulong. Naging bahay bakasyonan na lang ang mansyon mula ng napunta sila sa America, doon na rin kasi madalas mag stay ang kanyang mga magulang. Natanaw ni Hiyasmen ang dati nilang mansyon na naibinta niya. Hindi kasi ito kalayuan sa kanila, may bago na roon na nakatira at pinabago na rin ang kulay ng pintura nang buong mansion. Doon muling bumalik sa alaala ni Hiyasmen, ang mga huling pangyayari sa mansyon na iyon nang makipaghiwalay si Adrian sa kanya. Kaya napabuntong hininga na lang si Hiy

