Naging masaya at punong puno ng emosyonal ang naging kaarawan ng ina ni Carlo. Ang dami kasing ganap at maraming surpressa ang natanggap ng ina ni Carlo galing sa kanyang mga anak. Pagkatapos ng Celebration na iyon ay humiling pa ang ina ni Carlo na kung pwede manatili pa sila ng ilang araw sa Boracay para ma-enjoy nila ng husto ang bakasyon. Agad naman pumayag si Hiyasmen. Nawala na rin kasi sa isip ni Hiyasmen ang Adrian na nakilala ng kanyang anak kaya hindi na siya nag aalala na itong Adrian na nakilala ng anak niya ay ang totoong ama ng anak niya. "Mommy..." Tawag tawag ni Adriana Angel si Hiyasmen dahil enjoy na enjoy nito ang paliligo ng dagat. "Bakit kasi mas gusto mong maligo dito sa dagat anak, kesa doon sa swimming pool?" tanong ni Hiyasmen sa kanyang anak. "Kasi mommy,

