"Anak!!! Jusko naman, kanina pa kita hinahanap at nawala kana lang bigla sa tabi ko. Hinanap na kita sa buong paligid wala ka, saan kaba kasi galing?" Sinalubong ni Hiyasmen si Adriana Angel at inayos ayos pa nito ang buhok ng bata. "Sorry mommy.... Ahm.. Doon lang naman po ako sa tabing dagat eh," saad ni Adriana Angel. "Gusto mo na talaga mag swimming? Ok sige, change your clothes at sasamahan kitang maligo," saad ni Hiyasmen dito. Thank you so much po mommy.. " Napatalon naman sa saya si Adriana Angel. Kaya agad itong tumakbo at pumasok sa kanilang silid at nagpalit ng damit. Napangiti na lang si Hiyasmen ng matanaw niyang nakapalit na ng pang swimming si Adriana Angel, at suot suot muli nito ang kanyang paboritong pang swimming. "Baby, favorite mo talagang suotin iyan ano? H

