"At last!!! Naka uwi ka rin ng Pilipinas, akala ko deadma na naman ang invitation ko at drawing na naman ang pangako mo," saad ni Carlo at yumakap pa ito kay Hiyasmen ng makarating sa kanilang probinsya. "I told you na darating ako diba? Pero bago ang lahat pwede mo ba akong tulungan buhatin itong mga dala naming gamit? Nahihirapan na kasi ako eh, tingnan mo naman dala dala ko pa itong little charming ko," tugon ni Hiyasmen. "Sure, at salamat naman at dinala mo 'yan." Masiglang binuhat ni Carlo ang mga gamit ni Hiyasmen at Adriana. "Oo, excited nga eh. Tapos ito, tulog naman buong byahe." Napangiti si Hiyasmen. "Naku! Mukhang almost 2 hour mo pang bitbit iyan haha," Napatawa si Carlo kay Hiyasmen. Pagkarating nila sa airport ay agad silang sumakay ng Van patungo sa pier upang sum

