"Girl, nariyan na ang masugid mong manliligaw." Tinapik si Hiyasmen sa balikat ng kanyang make up artist. "Sabihin mo baks, may isang photoshoot pa ako. Kaya kapag makakapag hintay siya, maghintay siya. Pero kung hindi e d 'wag, umuwi na kamo siya," saad ni Hiyasmen. "Girl, kailan ba 'yan umuwi? At kailan ba 'yan naboring kahit tatlong oras kapa niya hinintay," tugon ng kanyang make up artist. "Ewan ko ba diyan? Kahit paulit paulit ko iyang binabasted. Ayan pa rin, walang sawang sumusundo sa akin sa work ko." Napa buntong-hininga si Hiyasmen. "Eh, mahal na mahal ka noong tao eh. Ohh.. Siya, labasin ko muna. I'm sure nilalantakan na ng mga bakla ang dala dala niyang pagkain," paalam ng make up artist niya. Napatawa na lang si Hiyasmen sa sinabi ng make up artist niya. Sa loob k

