"Pasensya na kung nasigawan kita kanina Adrian, alam mo naman siguro diba kung anong pakiramdam ng isang ama kung ang anak niya ay nawawala, ang masaklap pa nasa kapahamakan pa ito," saad ni Clarkson. "It's ok. Pasensya na rin kayo, kung nadamay kayo sa problemang kinakaharap namin. Hindi ko lubos na akalain na madadamay si Calle dito," saad naman ni Adrian. "Kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari ito. Kung bakit nadamay si Calle, kung hindi ko siguro pinalo at pinagalitan si Calle, ay hindi iyon pupunta dito ng dis oras ng Gabi upang lumayas sa bahay," saad muli ni Clarkson. "Sorry ha, pero gusto ko lang itanong kung anong nangyari? Bakit ganoon na lang ang ginawa ni Calle, na nag lakas ng loob siyang pumunta dito sa Baguio, na siya lang mag isa. I'm sure, na may malalim na dahil

