"Uy.... Baboy na puti, bakit ka nga pa la napunta dito? Kasama ba talaga kita sa pag kidnap nila?" tanong ni Adriana Angel. "No, nakita kasi kitang sinakay sa kotse kaya sumugod ako at pilit kitang inaagaw. Pero, hindi pa pala enough ang lakas ko para proteksyonan ka, kaya ito isinama na nila ako," tugon ni Calle. "Ano ka hero? Superman? Hindi ibigsabihin na malaki ang pangangatawan mo kaya mo na ang mga bad guys na yan. Pero, salamat baboy na puti at may care ka sa akin kahit lagi mo akong inaaway," saad ni Adriana Angel. "Angry bird na walang ilong, wala akong care sa iyo. Ang taray taray mo kaya, naaawa lang ako kay daddy kung sakaling may mangyaring masama sa iyo. Kapag malulungkot siya, malulungkot din ako. Kaya noong nakita kitang dinadala ng mga bad guys, pinuntahan agad kita.

