"Anong gimik 'to? At may pa blindfold pa kayong nalalaman diyan?" tanong ni Adrian kay Hiyasmen habang inaalalayan siya nitong maglakad. "Chill ka lang, makakarating din tayo sa ating pupuntahan," tugon ni Hiyasmen. "Daddy, pwede n'yo na pong tanggalin ang blindfold n'yo," saad naman ni Adriana Angel na halata sa boses nito ang kanyang sayang nadarama. "Surprise!!!" sabay sabay na sigaw ni Hiyasmen, Adriana Angel at ang mga katulong nila. Nagulat si Adrian sa kanyang pagmulat ng mata ay naroroon na sila sa dati nilang mansyon. "Anong ginagawa natin dito sa dati nating mansyon?" tanong ni Adrian. "Mahal, hindi na dati nating mansyon, kundi mansyon natin ulit." Ngumiti si Hiyasmen. "Paanong nangyari? Diba bininta mo na ito? Ito na ba ang sinasabi mong surprise?" muling tanong ni

